‘Feeding Program’ sa mga batang kulang sa timbang, inilunsad sa parokya sa Valenzuela

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,342 total reads

Inilunsad ng Our Lady of the Holy Rosary Parish sa Valenzuela ang feeding program para sa mga kabataang kulang sa timbang.

Ang ‘Barangay Bayanihan Kitchen’ ay sa pakikipagtulungan ng parokya kasama ang CDO-ODYSSEY Foundation at Sangguniang Barangay ng Maysan.

Ayon sa kura paroko na si Fr. Prospero Tenorio, aabot sa 100 mga bata na kulang sa timbang ang benepisyaryo ng feeding program.

Layunin ng ‘Barangay Bayanihan Kitchen’ ang pagpapaigting ng mga programang makatutulong sa pangangailangan ng nasasakupang pamayanan.

Sinabi pa ng pari na ang programa ay isang hakbang upang maipadama ang diwa ng pagmamalasakit sa kapwa lalo’t naghahanda ang kristiyanong pamayanan sa Pasko ng Pagsilang ng Panginoong Hesus.

“Upang konkretong maipahayag ang pagsilang ng Panginoon sa puso ng bawat isa, ang Commission on Social Action ng paglingkod ng ating parokya kasama ang CDO-ODYSSEY Foundation ay magkatuwang upang sa gayon ay konkretong maipadama at maipahayag ang pag-ibig ng Diyos lalo na sa higit nangangailangan.” pahayag ni Fr. Tenorio sa Radio Veritas.

December 1 nang ilunsad ng parokya ang ‘Barangay Bayanihan Kitchen’ na magtatagal ito hanggang February 2023.

Binigyang diin ni Fr. Tenorio na kasabay ng pagbuti ng kalusugan ay ang pangangalaga sa espiritwalidad ng mamamamayan sa pamamagitan ng katesismo.

Kasabay ng pagpapakain sa mga bata, isinasagawa rin ng parokya ang katesismo sa mga magulang upang higit na maunawaan ang pananampalatayang kristiyano at mga turo ng simbahan.

Naniniwala si Fr. Tenorio na sa ganitong paraan ay ganap na maipalaganap ang misyon ng simbahan na lingapin ang pangangailangan ng mamamayan.

“Makita nila na ang ganap na pananampalataya ay hindi lamang tumutukoy sa head level, pagtalima, pagsasabuhay ng pananampalataya at ang puso naman ang kumakatawan sa buhay panalangin para at least integral, buo at ganap nating maihatid na paghubog sa ating pamayanan.” ani Fr. Tenorio.

Ang parokya ay itinuturing na isa sa malalaking pamayanan ng Diocese of Malolos na nakasasakop sa 14 na barangay ng Valenzuela City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 174,316 total reads

 174,316 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 245,750 total reads

 245,750 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 279,197 total reads

 279,197 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 314,497 total reads

 314,497 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 534,112 total reads

 534,112 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top