SLP, suportado ang mga pari at obispo na nanindigan noong May 9, 2022 elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,751 total views

Nagpahayag ng suporta si Raymond Daniel Cruz, Jr. – National President ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa lahat ng mga pari at obispo na matapang na nagpahayag ng paninindigan noong nakalipas na May 9, 2022 national and local elections.

Ayon kay Cruz, klaro ang naging panindigan ng mga lingkod ng Simbahan sa pagsusulong ng makabubuti para sa bansa.

Ipinaliwanag ni Cruz na hindi basta ginamit ng mga lingkod ng Simbahan ang impluwensya sa pagsuporta sa sinumang kandidato sa halip ay matapang na isinakatuparan ang kanilang pastoral na tungkulin upang gabayan ang mga botante.

“Ako po si Jun Cruz simpleng laiko lang, pero naninindigan po ako para sa ating mga kaparian at sa mga obispo na nanindigan, who joined in this partisan politics during the 2022 May Presidential Elections.Simple lang po ang tanong was it really an illusion of influence? Definetely not, it was an exercise of their pastoral responsibility, an exercise of their pastoral leadership, klarong klaro yun,” paliwanag ni Cruz sa Radio Veritas.

Iginiit ni Cruz na walang mali sa pagpapahayag ng anumang paninindigan noong nakalipas ng halalan.

“Sa mga kabunyian, sa mga kaparian na nanindigan noong mga panahon na yun, kahit yung tumahimik po dahil meron din silang sariling paninindigan, walang mali doon. Ang mali doon ay yung ngayong magsisisihan tayo sabihin ‘i told you so’ yun po yung mali na ngayon, yun po yung dis-unity,” dagdag pa ni Cruz.

Ginawa ni Cruz ang paninindigan kaugnay sa isang liham na umiikot sa mga pari at Obispo na may titulong “ILLUSIONS OF INFLUENCE: CLERICAL PARTISAN ENGAGEMENT DURING THE 2022 ELECTIONS” sa panulat ni Rev. Fr. Eric Marcelo O. Genilo, SJ. na ibinahagi ng pari sa nakalipas na DaKaTeo Online Theological Interdisciplinary Conference: “Filipino Religious Faith and Nationalism/Patriotism: Engagement and Disentanglement” noong November 11, 2022.

Inihayag ni Cruz na masakit at mabigat sa damdaming mabasa ang liham pagpuna sa matapang na panindigan ng ilang mga pari at Obispo noong nakalipas na halalan.

Dahil dito nanawagan si Cruz sa bawat laiko na manindigan din para sa mga lingkod ng Simbahan at kasabay ng Feast of the Immaculate Conception of Mary.

“Pwede po ba bukas December 8, magsimba po tayo tapos ipanalangin po natin sa ating Mahal na Birhen ang ating mga kaparian, ang ating mga obispo dahil po meron po silang natanggap na sulat galing sa isang kapwa Pari na para bang sinasabi ngayon na ‘ano napahiya kayo,” paanyaya ni Cruz.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 18,478 total views

 18,478 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 86,207 total views

 86,207 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 109,359 total views

 109,359 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 179,474 total views

 179,474 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 252,828 total views

 252,828 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 10,782 total views

 10,782 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top