Maharlika Fund, magiging “floodgates of corruption”

SHARE THE TRUTH

 1,440 total views

Tinututulan ng mga labor group ang pagsusulong ng House Bill 6398 o Maharlika Investment Fund Act.

Nangangamba si Father Noel Gatchalian, chairman ng Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) na magdudulot ng katiwalian ang panukala at maaapektuhan ang benepisyo ng mga SSS at GSIS member lalu na ang pensyon ng senior citizens.

“CWS reiterates its claim that the Maharlika Fund will only open the floodgates of corruption and will further deprive Filipino People of basic social services, as former Bayan Muna Representative Neri Colmenares Pointer out, ang kailangan natin ay dagdag na SSS pension, hindi dagdag ng pagkakataon sa korapsyon,” pahayag ni Father Gatchalian sa Radio Veritas.

Umaapela naman ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa kongreso na isulong ang batas na magtataas sa sahod ng mga manggagawa sa halip na unahin ang pagsasabatas ng HB 6389.

Iginiit ni Jerome Adonis, secretary general ng KMU na naghihirap na ang taumbayan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin na resulta ng pagtaas ng inflatrion rate sa 8-porsiyento noong Nobyembre.

“Ang hinihingi namin ay dagdag sahod, hindi dagdag pasakit. Ipasa ang panukalang batas hinggil sa pagtataas ng sahod ng manggagawa, isa na rito ang HB 4898 o ang pagpapatupad ng pambansang minimum na sahod na nakabatay sa umiiral na family living wage (FLW). Pinapaspasan ni Marcos Jr at mga kasabwat na mambabatas ang mandatory ROTC, apprenticeship, at wealth fund, samantala natutulog sa Kongreso ang mga batas na ikabubuti ng mamamayan!,” paglilinaw ng KMU sa Radio Veritas.

Ang Maharlika Wealth Fund Act ay isinulong ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na pangangasiwaan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.

Kapag naisabatas ang panukala, kukunin ang budget nito sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (LBP) at Develpoment Bank of the Philippines (DBP).

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 22,226 total views

 22,226 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 39,639 total views

 39,639 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 54,283 total views

 54,283 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 68,088 total views

 68,088 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 81,097 total views

 81,097 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

YSLEP, kinilala ng MOP

 5,170 total views

 5,170 total views Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang Caritas Manila Youth Servant Leader and Education Program o YSLEP TELETHON 2025. Ayon kay M-O-P

Read More »
Scroll to Top