SLP, suportado ang mga pari at obispo na nanindigan noong May 9, 2022 elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,803 total reads

Nagpahayag ng suporta si Raymond Daniel Cruz, Jr. – National President ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa lahat ng mga pari at obispo na matapang na nagpahayag ng paninindigan noong nakalipas na May 9, 2022 national and local elections.

Ayon kay Cruz, klaro ang naging panindigan ng mga lingkod ng Simbahan sa pagsusulong ng makabubuti para sa bansa.

Ipinaliwanag ni Cruz na hindi basta ginamit ng mga lingkod ng Simbahan ang impluwensya sa pagsuporta sa sinumang kandidato sa halip ay matapang na isinakatuparan ang kanilang pastoral na tungkulin upang gabayan ang mga botante.

“Ako po si Jun Cruz simpleng laiko lang, pero naninindigan po ako para sa ating mga kaparian at sa mga obispo na nanindigan, who joined in this partisan politics during the 2022 May Presidential Elections.Simple lang po ang tanong was it really an illusion of influence? Definetely not, it was an exercise of their pastoral responsibility, an exercise of their pastoral leadership, klarong klaro yun,” paliwanag ni Cruz sa Radio Veritas.

Iginiit ni Cruz na walang mali sa pagpapahayag ng anumang paninindigan noong nakalipas ng halalan.

“Sa mga kabunyian, sa mga kaparian na nanindigan noong mga panahon na yun, kahit yung tumahimik po dahil meron din silang sariling paninindigan, walang mali doon. Ang mali doon ay yung ngayong magsisisihan tayo sabihin ‘i told you so’ yun po yung mali na ngayon, yun po yung dis-unity,” dagdag pa ni Cruz.

Ginawa ni Cruz ang paninindigan kaugnay sa isang liham na umiikot sa mga pari at Obispo na may titulong “ILLUSIONS OF INFLUENCE: CLERICAL PARTISAN ENGAGEMENT DURING THE 2022 ELECTIONS” sa panulat ni Rev. Fr. Eric Marcelo O. Genilo, SJ. na ibinahagi ng pari sa nakalipas na DaKaTeo Online Theological Interdisciplinary Conference: “Filipino Religious Faith and Nationalism/Patriotism: Engagement and Disentanglement” noong November 11, 2022.

Inihayag ni Cruz na masakit at mabigat sa damdaming mabasa ang liham pagpuna sa matapang na panindigan ng ilang mga pari at Obispo noong nakalipas na halalan.

Dahil dito nanawagan si Cruz sa bawat laiko na manindigan din para sa mga lingkod ng Simbahan at kasabay ng Feast of the Immaculate Conception of Mary.

“Pwede po ba bukas December 8, magsimba po tayo tapos ipanalangin po natin sa ating Mahal na Birhen ang ating mga kaparian, ang ating mga obispo dahil po meron po silang natanggap na sulat galing sa isang kapwa Pari na para bang sinasabi ngayon na ‘ano napahiya kayo,” paanyaya ni Cruz.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 34,932 total reads

 34,932 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 82,803 total reads

 82,803 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 186,751 total reads

 186,751 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 272,865 total reads

 272,865 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 341,273 total reads

 341,273 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top