Madre, nagpahayag ng pagkabahala sa Maharlika Investment Fund

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,662 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala si Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB kaugnay na magamit lamang sa katiwalian ang panukalang pagbubuo ng Maharlika Investment Fund.

Ayon sa Madre na isa ring convenor ng Movement Against Tyranny, malaking posibilidad na magamit ang naturang pondo sa katiwalian lalo na’t marami pa ring bahagi sa nasabing panukala ang hindi malinaw.

Binigyang diin ni Sr. Mananzan na hindi dapat magmula sa pondong pinaghirapan ng mamamayan ang gagamitin sa naturang panukala lalo’t nakalaan ito sa kanilang pagreretiro.

“I think the sources of this fund should not come from funds designated for specific purposes but since this is the case of the Maharlika fund the bill should not be approved. There is also a great possibility that this fund will serve as another source of corruption.”pahayag ni Sr. Mananzan, OSB sa Radio Veritas.

Matatandaang orihinal na kabilang sa pagmumulan ng pondo para sa panukalang House Bill 6398 o Maharlika Investment Fund Act ang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) na mariing tinutulan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

Ayon sa may akda at nagsusulong ng Maharlika Wealth Fund Act na sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos layunin ng panukala na i-maximize ang profitability o puwedeng tubuin na government assets na maaring i-invest ng pamahalaan.

Dahil sa malakas na pagtutol, nagdesisyon ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na i-amend ang panukala sa pamamagitan ng pag-alis sa GSIS at SSS na pagkukunan ng pondo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 14,943 total reads

 14,943 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 99,801 total reads

 99,801 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 194,132 total reads

 194,132 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 255,818 total reads

 255,818 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 300,969 total reads

 300,969 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top