Bayani at martir ng kalikasan, binigyang-pugay ng environment at human right groups

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,732 total reads

Nagtipon-tipon ang mga environment and human rights defenders sa harapan ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources upang alalahanin ang mga bayani at martir ng kalikasan.

Ito’y pag-apela ng mga grupo sa pamahalaan upang bigyang-halaga ang pakikipag-laban ng mga nasawing tagapagtanggol ng kalikasan at pakinggan ang mga panawagan hinggil sa pangangalaga ng kapaligiran at mga apektadong pamayanan.

Ayon kay Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera, mahalagang bigyang-pugay ang mga tagapagtanggol ng kalikasan na nag-alay ng mga buhay upang ipaglaban ang karapatan ng mga likas na yaman at kapakanan ng mga apektadong mamamayan.

“As we continue to remember them, we call on the DENR to protect and ensure the security of environmental activists so no killings will ever happen again,” pahayag ni Garganera.

Samantala, iginiit naman ni Jhay de Jesus, national coordinator ng In Defense of Human Rights and Dignity Movement o IDefend na hindi katanggap-tanggap na walang napapatawan ng karampatang parusa ang mga pumapaslang sa mga tagapagtanggol ng kapaligiran at mamamayan.

Dagdag ni Cabrera na nais lamang ng mga ito na mapakinggan ang tinig upang mabigyang-pansin ng pamahalaan ang mga nangyayaring pang-aabuso at pagpinsala sa kapaligiran.

“We vow to continue calling for the accountability of the government for these killings and attacks on human rights defenders,” ayon kay de Jesus.

Batay sa ulat ng Global Witness, hindi bababa sa 270 environmental at human rights defender ang pinaslang sa Pilipinas mula 2012 hanggang 2021, kaya’t hinirang ang bansa bilang ikatlo sa pinakamapanganib na bansa sa buong mundo, at una naman sa Asya.

Inihayag naman ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si’ ang kahalagahan ng mga tagapagtanggol ng kalikasan na nagpapahiram ng kanilang tinig sa mga nilalang ng Diyos upang itaguyod ang kasagraduhan ng buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 15,817 total reads

 15,817 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 100,587 total reads

 100,587 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 194,918 total reads

 194,918 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 256,604 total reads

 256,604 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 301,690 total reads

 301,690 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 209,889 total reads

 209,889 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top