I-abolish ang Laguna Lake Development Authority

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total reads

Inirekomenda ni Msgr. Jerry Bitoon – Vicar General ng Diocese of San Pablo Laguna kay Department of Environment and Natural Resources secretary Gina Lopez na i-abolish na ang Laguna Lake Development Authority o LLDA.

Iginiit ni Msgr.Bitoon na 5-dekada ng pinabayaan at ginawang “milking cow” ng mga opisyal ang Laguna lake.

Inihayag ng pari na hindi tunay na mga environmentalist ang mga nanunungkulan sa LLDA kung saan mas pinapaboran ang mga mayayamang mamumuhan kaysa sa mga maliliit na mangingisda.

“I-abolish na ang LLDA, kasi nagsi-celebrate sila ng 50-years ngayong 2016, pero all these years, limang dekada, ano bang nangyari sa lake?” pahayag ni Msgr. Bitoon sa Radyo Veritas.

Iminungkahi din ni Msgr. Bitoon na kung hindi man i-abolish ay palitan na ang LLDA ng Laguna Lake Conservation Authority.

“Hindi sapat na palitan yung mga tao, ang problema ng LLDA, hindi naman talaga mga environmentalist, walang malasakit, kaya nakikita namin kailangang i-overhaul, palitan na yang LLDA ng ibang authority. The very name itself parang mali, Laguna Lake Development Authority, sana dapat yan ay Laguna Lake Conservation Authority,” dagdag ni Msgr. Bitoon.

Kaugnay nito, nais ni DENR secretary Lopez na personal na kausapin ang mga fish pen at fishcakes operators sa Laguna de Bay bago ipatupad ang moratorium sa renewal ng mga permit to operate sa Enero 2017.

Ito ang kinumpirma ni DENR Under Secretary Arturo Valdez, pinuno ng National Anti-Environmental Crime Task Force na nagsagawa ng demolisyon sa 13-hektarya ng mga iligal na fish pens sa Laguna lake.

Iginiit ni Valdez na mahalagang lubusang magamit ng mga maliliit na mangingisda ang 90,000 hektaryang Laguna de Bay para sa kanilang pangailangan at kabuhayan.

Ang LLDA ay itinatag noong taong 1966 na may layuning pangalagaan at pagyamanin ang 90,000 hektaryang lawa ng Laguna.

Una nang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si na kinakailangang ang mamayaning pamamalakad sa bawat bansa ay magbebenepisyo sa nakararami at hindi sa iilan lamang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,800 total reads

 21,800 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,530 total reads

 58,530 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,800 total reads

 284,800 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,267 total reads

 178,267 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 271,126 total reads

 271,126 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,766 total reads

 34,766 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 27,660 total reads

 27,660 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top