Sin tax hike, makakabuti sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 597 total reads

Sang – ayon si dating CBCP – president at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa muling pagsusulong sa Kamara ng panibagong pagtataas ng buwis sa mga alak at sigarilyo.

Ayon kay Archbishop Cruz, layunin ng pamahalaan na iligtas sa sakit ang mamamayan hindi lamang para kumita ng malaki.

Nababahala ang Arsobispo sa datos ng Social Weather Station na aabot sa sampung Pinoy ang namamatay kada oras o 240-pinoy ang namamatay kada araw dahil sa paninigarilyo.

Iginiit pa ng Arsobispo na makabubuti ang layuning ito ng gobyerno upang matigil na ang paninigarilyo at ilaan na lamang nila ang kinikita sa pagbili ng pagkain at pangangailangan ng pamilya.

“Wala akong nakikitang masama diyan isa lang naman hindi para kumita ang gobyerno kundi para ang mga tao ay talagang maiwas sa sakit. Hindi lang para malulong sa droga kundi huwag ring malulong sa alkohol at higit sa lahat sa sigarilyo. Mahirap ang buhay natin ngayon hindi naman sikreto iyon, yung mga OFW na nagta – trabaho sa labas para mabuhay kahit papaano pagkatapos ay lalagyan pa ng bisyo ng alak, bisyo ng sigarilyo. Okay yun para yung pera ay kokonti hindi sigarilyo bibilhin kundi pagkain, ang pera kokonti hindi na alak ang iinumin,” bahagi ng pahayg ni Archbishop Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.

Inihain na sa Kongreso ang House Bill 4144 na naglalayong amyendahan ang Republic Act 10351 o mas kilala bilang Sin Tax Reform Act kung saan bawat taon ay tataasan ng 4-percent ang ipinapatong na buwis sa mga alak at sigarilyo.

Samantala, sa buong mundo, aabot sa 6 Milyon ang namamatay taun-taon dahil sa paninigarilyo ayon sa datos ng World Health Organization.

Magugunitang noong 2013 ay kumita ng P45.1 billion mula sa Sin Tax ang pamahalaan na ginamit para sa expansion ng PhilHealth coverage ng 14.7 million na mga mahihirap na Pilipino.

Ipinapaalala sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga – Korinto na ang katawan ng tao ay templo ng Espiritu Santo na dapat nating pangalagaan at ingatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 60,346 total reads

 60,346 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 98,438 total reads

 98,438 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 132,566 total reads

 132,566 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 188,972 total reads

 188,972 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 320,897 total reads

 320,897 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 426,982 total reads

 426,982 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top