Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Administrasyong Duterte, dapat maging gobyerno para sa lahat

SHARE THE TRUTH

 193 total views

Ang pamahalaan ay para sa lahat at hindi para sa mga piling mamamayan lamang.

Ito ang binigyang diin ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Mission kaugnay sa nagaganap na kawalang katarungan at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Iginiit ng Obispo na dapat na makita ng mga opisyal ng pamahalaan ang sama-samang paninindigan ng mamamayan laban sa nagaganap na kawalang katarungan sa bayan.

Ipinaliwanag ni Bishop Bastes na kailangang maging patas sa pagpapatupad ng anumang batas at mga panukala ang pamahalaan na dapat na mapakinabangan ng bawat mamamayan mapa-mahirap man o mayaman.

“Pamahalaan, tingnan niyo may mga tao na nagkakaisa upang ipahayag ang mga reklamo sa inyo, ang mga mali na ginagawa sa gobyerno sana ang gobyerno para sa lahat hindi lamang sa mga mayayaman, hindi lamang sa mga tao na nag-ienjoy ng mabuting kapalaran…” pahayag ni Bishop Bastes sa panayam sa Radyo Veritas.

Pinayuhan ng Obispo ang pamahalaan na bigyang prayoridad ang kalagayan ng may 80-porsyento ng mamamayang Filipino na labis na dumaranas ng kahirapan at kawalan ng sapat na pagkain sa hapag sa pang-araw-araw.

Si Bishop Bastes ang isa sa mga Obispo ng Simbahang Katolika na hayagang pumupuna sa mga nagaganap na kaguluhan sa bansa partikular na laban sa mga naging kontrobersyal na pahayag ng Pangulong Duterte laban sa Simbahan at maging mga iba pang mga lingkod nito.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, sinasabing ang pag-unlad sa ekonomiya ng bansa ay kinakailangang maging pangunahing konsederasyon kasabay ng pag-unlad sa buhay ng mga mahihirap at pagtiyak sa panlipunang katarungan at benepisyo ng pantay-pantay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 20,485 total views

 20,485 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 29,153 total views

 29,153 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 37,333 total views

 37,333 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 33,215 total views

 33,215 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 45,266 total views

 45,266 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 7,950 total views

 7,950 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top