Mananampalataya, inaanyayahan sa World Day of the Sick mass

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 429 total reads

Inanyayahan ni Father Dan Cancino, MI, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang mga mananampalataya lalo na ang mga may karamdaman na dumalo sa banal na misa para sa World day of the sick ngayong araw ika-11 ng Pebrero.

Ayon sa Pari, isa itong pambihirang pagkakataon dahil kasabay ng pagdiriwang ay naririto din sa Pilipinas ang Heart Relic ni St. Camillus de Lellis, ang patron ng mga maysakit, mga ospital at mga manggagamot.

Naniniwala ang pari, na sa pamamagitan ng panalangin at pananalig ay mapagkakalooban ng kagalingan ang mga mananampalatayang lumalapit sa Panginoon, sa pamamagitan ni St. Camillus.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya, na ipagdasal ang mga dumaraan sa pagsubok ng karamdaman, upang maibsan ang dinaranas nilang sakit at tuluyan nang gumaling.

“Ngayon pong araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang World Day of the Sick ang pandaigdigang araw ng mga may karamdaman o may sakit, bigyan po natin sila ng importansya pansinin natin ang kalagayan ng ating mga kapatid na may karamdaman at nawa ipagdiwang natin ito ipagdasal natin sila pumunta po tayo sa ating mga parokya.” paanyaya ni Father Cancino.

Samantala, inanyayahan din ng Pari ang mga mananampalataya na bisitahin ang incorrupt heart ni St. Camillus na bibisita ngayong araw sa Immaculate Concepcion Cathedral ng Diocese of Cubao.

“Inaanyayahan ang lahat ng ating mga kapanalig na dumalo sa Immaculate Concepcion Cathedral ng Diyosesis ng Cubao. Ating ipagdiwang ang World Day of the Sick at tayo po ay mayroong misa ng alas gis ng umaga at alas singko ng hapon. Dadalaw din ngayong araw na ito ang patron ng mga maysakit si San Camillus de Lellis, nandirito po sa bansa ang kanyang incorrupt heart relic.” Dagdag pa ng Pari

Magkakaroon ng banal na misa para sa mga maysakit sa ganap na alas gis ng umaga at susundan ito ng vigil at veneration hanggang sa ika-10 ng gabi, at alas syete naman ng umaga, ika-12 ng Pebrero ay ibabalik na ang heart relic ni St. Camillus sa St. Camillus Provincialate, Loyola Heights Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 78,790 total reads

 78,790 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 126,414 total reads

 126,414 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 174,285 total reads

 174,285 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 278,233 total reads

 278,233 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,667 total reads

 360,667 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,470 total reads

 42,470 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,346 total reads

 35,346 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top