Year of the pork barrel?

SHARE THE TRUTH

 142 total views

Mga Kapanalig, kasabay ng pagsisimula noong nakaraang Martes ng bagong taon ng mga kapatid nating Tsino—na batay sa kanilang kultura ay tinatawag na “Year of the Pig”—nagbiro si Senador Ping Lacson na ang taóng ito ay dapat tawaging “Year of the Pork Barrel.” Babala niya, sa halip na swerte, utang ang dala ng taóng 2019 sa mga Pilipino. Kung hahatiin daw ang kabuuang utang na ito sa buong populasyon natin, magkakautang ang bawat isa sa atin ng ₱71,000. Sa kanyang pagbusisi sa panukalang pambansang budget para sa 2019, nakita raw ni Senador Lacson ang milyun-milyong halaga ng mga proyekto ng bawat kongresista—₱160 million daw bawat isa. Inamin naman ni House Majority Leader Fredenil Castro na may mungkahi nga sa Mababang Kapulungan na paglaanan ang bawat distrito ng ganitong kalaking halaga, ngunit itinanggi niyang pork barrel iyon.

Labag sa Saligang Batas ang pork barrel, na kilala rin sa pormal na termino nitong Priority Development Assistance Fund o PDAF. Maliban dito, pangunahing paraan ng katiwalian at pagnanakaw ng mga mambabatas ang paggamit ng pork barrel. Hindi ba’t kaya nga nakulong ang ilang senador at personalidad dahil sa paglalaan ng kanilang pork barrel sa mga pekeng NGOs at napunta naman sa kanilang mga bulsa ang mga pondo? Lubha ring malaki ang ₱160 million para sa mga proyektong isiningit lamang ng mga mambabatas sa panukalang bugdet nang hindi ipinapaalám sa mga ahensya at departamentong magsasakatuparan ng mga ito. Nakapagtatakang wala tayong naririnig mula kay Pangulong Duterte tungkol sa nangangamoy na anomalyang ito. Dahil ba mga kakampi niya ang mga mambabatas na nagsingit ng kani-kanilang proyekto sa panukalang budget?

Kung hindi pa sapat ang lantarang pagbalewala sa tinatawag nating “transparency” sa pagbubuo ng pambansang budget para sa taóng ito, heto at may panukala rin ang mga nasa Mababang Kapulungan na gawing mas mahigpit daw ang pagkuha natin ng kopya ng kanilang statements of assets, liabilities and net worth o SALN. Ayon muli kay House Majority Leader Fredenil Castro, karapatan daw nilang pangalagaan ang kanilang sarili laban sa mga manggagantso o swindlers, mga sindikato, mga mangingikil o extortionists, at mga teroristang grupo. Paniwala niya, maaari raw gamitin ng mga taong ito ang kanilang SALN upang i-blackmail sila. Kung papatulan ng Kongreso ang panukalang ito, kailangang makuha ng isang humihingi ng kopya ng SALN ng isang mambabatas ang permiso ng lahat ng kasapi ng Mababang Kapulungan. Hindi ba taliwas ito sa hangarin ng administrasyong Duterte na maging bukás sa mga mamamayan ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanilang mga tagapaglingkod sa pamahalaan? Muli, wala tayong narinig na maanghang na salita mula sa pangulong nagsasabing galit na galit sa korapsyon.

Gaya ng binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan, nakaatang ang pagtiyak ng kabutihan at kapakanan ng lahat—o ng common good—hindi lamang sa bawat isa sa atin kundi sa mga nagpapatakbo ng ating pamahalaan. Ang common good ang dahilan kung bakit nariyan ang pamahalaan. Tungkulin ng mga nagpapatakbo nitong ibigay sa mga mamamayan ang mga bagay na makatutulong sa kanilang paglago at pag-unlad bilang mga tao. Hindi ito mangyayari kung inuuna nila ang kanilang interes sa pagbubuo, halimbawa, ng pambansang budget. Salungat sa kanilang tungkulin ang pagtatago nila ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kanilang mga pag-aari at ang pag-iwas sa pagsisiyasat tungkol sa kanilang pamumuhay habang naglilingkod sa bayan.

Sa huli, mga Kapanalig, nakaatang sa ating mga mamamayan ang tungkuling papanagutin ang mga taong nangangasiwa ng ating pinagpagurang buwis. Tungkulin din nating tawagin ang atensyon ng mga nagpapatakbo ng mahahalagang institusyon—ang pamahalaan, ang media, maging ang simbahan—kung inililihim nila ang mga dapat na nalalaman ng mga tao.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 65,735 total views

 65,735 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 69,714 total views

 69,714 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 80,606 total views

 80,606 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 93,048 total views

 93,048 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 103,809 total views

 103,809 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 65,736 total views

 65,736 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 69,715 total views

 69,715 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 80,607 total views

 80,607 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 93,049 total views

 93,049 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 103,810 total views

 103,810 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,688 total views

 51,688 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 51,233 total views

 51,233 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 53,457 total views

 53,457 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,957 total views

 46,957 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 46,308 total views

 46,308 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 52,176 total views

 52,176 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,922 total views

 55,922 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,872 total views

 61,872 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 42,059 total views

 42,059 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 53,178 total views

 53,178 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top