Administrasyong Duterte, dapat maging gobyerno para sa lahat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 527 total reads

Ang pamahalaan ay para sa lahat at hindi para sa mga piling mamamayan lamang.

Ito ang binigyang diin ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Mission kaugnay sa nagaganap na kawalang katarungan at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Iginiit ng Obispo na dapat na makita ng mga opisyal ng pamahalaan ang sama-samang paninindigan ng mamamayan laban sa nagaganap na kawalang katarungan sa bayan.

Ipinaliwanag ni Bishop Bastes na kailangang maging patas sa pagpapatupad ng anumang batas at mga panukala ang pamahalaan na dapat na mapakinabangan ng bawat mamamayan mapa-mahirap man o mayaman.

“Pamahalaan, tingnan niyo may mga tao na nagkakaisa upang ipahayag ang mga reklamo sa inyo, ang mga mali na ginagawa sa gobyerno sana ang gobyerno para sa lahat hindi lamang sa mga mayayaman, hindi lamang sa mga tao na nag-ienjoy ng mabuting kapalaran…” pahayag ni Bishop Bastes sa panayam sa Radyo Veritas.

Pinayuhan ng Obispo ang pamahalaan na bigyang prayoridad ang kalagayan ng may 80-porsyento ng mamamayang Filipino na labis na dumaranas ng kahirapan at kawalan ng sapat na pagkain sa hapag sa pang-araw-araw.

Si Bishop Bastes ang isa sa mga Obispo ng Simbahang Katolika na hayagang pumupuna sa mga nagaganap na kaguluhan sa bansa partikular na laban sa mga naging kontrobersyal na pahayag ng Pangulong Duterte laban sa Simbahan at maging mga iba pang mga lingkod nito.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, sinasabing ang pag-unlad sa ekonomiya ng bansa ay kinakailangang maging pangunahing konsederasyon kasabay ng pag-unlad sa buhay ng mga mahihirap at pagtiyak sa panlipunang katarungan at benepisyo ng pantay-pantay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 69,255 total reads

 69,255 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 117,470 total reads

 117,470 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 165,341 total reads

 165,341 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 269,286 total reads

 269,286 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 352,131 total reads

 352,131 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top