Tuloy-tuloy ang reporma sa Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 634 total views

Hindi tumitigil ang Simbahang Katolika sa pagpapatupad ng reporma.

Ito ang inihayag ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Clergy sa patutsada ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kinakailangan ng Simbahan ng reporma.

Ang pahayag ng Pangulong Duterte ay kasunod ng pagkakabunyag sa mga kaso ng pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan sa iba’t-ibang bansa.

Inihayag ni Bishop Famadico na regular ang pagpapatupad ng Spiritual at Moral Reform ng Simbahan bago pa man lumabas ang mga kontrobersyal na kaso ng pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan.

Iginiit ng Obispo na regular ang reporma na ipinatutupad ng Simbahan upang makasabay sa pagbabago ng panahon at maiangkop ang mga turo at paggabay ng Simbahan sa mga pinagdadaanan ng mga mananamapalataya sa kasalukuyang panahon.

“Yung reform ng Simbahan ay hindi naman kinakailangan magkaroon ng mga ganitong abuses, ang Simbahan ay laging dapat may reform yan ay Spiritually, Morally ang Simbahan ay hindi tumitigil sa pagkakaroon ng reform, actually yung reform hindi naman kinakailangan na magkaroon ng abuse halimbawa ang isang Simbahan ay maganda ang takbo pero kahit ang takbo ng mga history ay may mga bagay na nagbabago kaya kinakailangan mag-adjust din yung Simbahan kaya yung growth of the church is always there, is always required…” paglilinaw ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.

Sinabi ng Obispo na patuloy at regular ang repormang isinasagawa ng Simbahan upang mapaunlad ang paraan ng pagbabahagi ng Ebanghelyo at hindi lamang upang maisaayos ang institusyon dahil sa iba’t ibang mga kontrobersiya kinahaharap nito.

Tiniyak naman ni Bishop Famadico na hindi isinasantabi at pinababayaan ng mga Obispo ng bawat diyosesis ang mga reklamo laban sa mga lingkod ng Simbahan na dumadaan sa tamang proseso ng pag-iimbestiga at pagpaparusa kapag napatunayang may nagawang kasalanan.

Kaugnay nito, unang nagpatawag ng February Summit on Sexual Abuse sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Francisco upang matalakay ang mga kontrobersyal na usaping kinahaharap sa kasalukuyan ng Simbahan.

Nakatakda ang pagtitipon sa ika-21 hanggang ika-24 ng Pebrero kung saan ipinatawag ni Pope Francis ang lahat ng mga Pangulo ng Episcopal Conferences sa buong mundo para sumailalim sa penitential liturgy, talakayan at pagninilay upang ganap na makapagbuo ng mga panibagong pamamaraan at reporma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 18,292 total views

 18,292 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 92,906 total views

 92,906 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 172,985 total views

 172,985 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 216,124 total views

 216,124 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 216,104 total views

 216,104 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top