VeritasPH

The Word, The Truth

Kapag pinupulitika ang pampublikong kalusugan

SHARE THE TRUTH

 403 total views

Mga Kapanalig, kinumpirma ng Department of Health o DOH na may outbreak ng measles o tigdas sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, at Western at Central Visayas. Kung hindi maaagapan ang pagkalat ng virus sa isang taong may tigdas, maaaring magdulot iyon ng mga kumplikasyong tulad ng pneumonia at pagkabulag o maaaring maging dahilan iyon ng kanyang kamatayan. Maituturing na high risk o pinakananganganib na madapuan ng tigdas ang mga batang hindi nabakunahan laban dito.

Ayon sa DOH, mahigit 400 na kaso ng tigdas na ang naitatala nila sa Metro Manila; lima sa mga batang nagkatigdas ay namatay. May halos 600 na kaso naman sa CALABARZON at siyam na ang namatay. Sa Central Luzon, apat ang namatay sa halos 200 na batang naitalang may tigdas. Sa Western Visayas hindi bababa sa 100 ang nagkatigdas at tatlo na ang namatay. Sa Central Visayas, 71 na ang naitalang kaso at isa ang namatay.

Isa sa mga itinuturong dahilan sa measles outbreak ay ang pagdududa ng mga magulang at ang pangamba nilang pabakunahan ang kanilang mga anak. Makikita ito sa mababang vaccine coverage ng DOH noong 2018 na umabot lamang ng 40%, malayo sa target na 90%. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng London School of Hygiene and Tropical Medicine, tatlo lamang sa sampung Pilipino ang may tiwala sa bakuna. Dagdag pa ng pag-aaral, hindi nakatulong ang “highly politicized response” ng pamahalaan sa kontrobersiyal na bakuna laban sa dengue, ang Dengvaxia.

Ganito rin ang sinasabi ng mga doktor at propesyunal sa larangan ng medisina gaya ng grupong Doctors for Truth and Welfare. Sinisi nila ang pinuno ng Public Attorney’s Office o PAO na si Atty. Persida Acosta at ang namumuno sa forensics ng PAO na si Ginoong Erwin Erfe sa pagbaba ng tiwala ng publiko sa pagpapabakuna. Maaalala nating iniugnay ng mga taga-PAO sa bakunang Dengvaxia ang pagkamatay ng hindi bababa sa 100 bata, kahit wala silang siyentipikong batayan. Pinaninindigan nila ito sa kabila ng pagkuwestyon ng mga eksperto mula sa Philippine General Hospital. Sinampahan rin ng kaso ng PAO ang dating kalihim at ilang opisyal ng DOH, maging si dating Pangulo Noynoy Aquino, na para sa marami ay patunay na pinupulitika ng PAO ang isang isyung may kinalaman sa pampublikong kalusugan o public health.

Mga Kapanalig, mahalagang malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng mga batang tinutukan ng PAO, at papanagutin ang mga nasa likod ng programang pagbabakuna kung mapatutunayang inilagay nito sa panganib ang buhay ng mga bata. Ngunit hindi makatutulong kung hahaluan ito ng pamumulitika at kung gagamitin ang mga bata upang siraan ang mga kalaban sa pulitika ng administrasyon. At patunay ang measles outbreak sa maraming lugar sa bansa kung paano nakaapekto ang pamumulitika sa pagkawala ng tiwala ng publiko sa pagpapabakuna laban sa malalalang sakit.
Malinaw ding may pagkukulang ang pamahalaan sa paghawak sa kontrobersiyang nilikha ng mga taga-PAO. Hinayaan nitong gamitin ang isyu upang siraan ang dating administrasyon, isang maling paggamit sa pulitikal na kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan. Gaya nga ng binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng Simbahan, ang tao ang pundasyon at siyang layunin ng pagkakaroon natin ng pulitikal na komunidad. Sabi pa ni Pope Francis, “When the exercise of political power aims only at protecting the interests of a few… the future is compromised…” Sa maling paggamit sa kapangyarihan, nakokompormiso ang ating kinabukasan. Hindi ba’t parang ganito ang ipinahihiwatig ng measles outbreak? Maraming bata ang nagdurusa ngayon dahil makasariling interes ang pinaiiral ng ilang nasa pamahalaan.

Mga Kapanalig, nawa’y maging aral sa ating lahat ang naging tugon ng pamahalaan at natin mismo sa isyu ng Dengvaxia. Nawa’y magabayan ang pamahalaan sa pagtugon sa problemang pinalaki at pinalubha ng pamumulitika ng iilan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 12,914 total views

 12,914 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 20,899 total views

 20,899 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 28,435 total views

 28,435 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 44,420 total views

 44,420 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 52,464 total views

 52,464 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Veritas Editorial
Veritas NewMedia

Sinong dapat manguna sa pagbangon ng Marawi?

 425 total views

 425 total views Mga Kapanalig, inalala natin noong nakaraang linggo ang unang taon ng pagsisimula ng madugong Marawi siege, ang unang araw ng pagsakop ng Maute-ISIS group sa makasaysayang lungsod na nagbunsod ng paglulunsad ng pamahalaan ng marahas na pag-atake roon at pagdedeklara ng batas militar sa buong Mindanao. Ngunit para kay Pangulo Duterte, mas nais

Read More »
Veritas Editorial
Veritas NewMedia

Ang Ating Luntiang Mundo

 421 total views

 421 total views Isa sa mga nakakapanglumong pangyayari sa ating henerasyon ay ang unti-unting pagkasira ng ating mundo. Tumingin kayo sa inyong paligid; langhapin ang simoy ng hangin; tingnan mo ang mga puno sa iyong paligid. Ano ba ang estado ng iyong kapaligiran ngayon? Ano ba ang estado ng kalikasan natin ngayon? Maraming mga siyentipiko ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top