Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Administrasyong Marcos, hinamong itigil na ang militarisasyon sa katutubong pamayanan

SHARE THE TRUTH

 14,756 total views

Nananawagan sa mga kinauukulan ang Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) at Panaghiusa Philippine Network to Uphold Indigenous Peoples’ Rights upang magpatupad ng mga hakbang na makatitiyak sa karapatan at kaligtasan ng mga katutubo sa bansa.

Sa pinagsamang pahayag ng LRC at Panaghiusa, iminumungkahi nito sa pamahalaan na tutukan ang pagtataguyod sa karapatan ng mga katutubo para sa tunay na free, prior, and informed consent (FPIC) at tugunan ang iba’t ibang suliranin patungkol sa mga katutubong lupain.

Kabilang rito ang mga proyektong tulad ng Didipio Copper-Gold Project ng Oceanagold sa Nueva Vizcaya; Tampakan Copper-Gold Project sa South Cotabato ng Mindanao Sagittarius Mines, Inc. (SMI); Ipilan Nickel Project sa Palawan; at Kaliwa-Kanan Dam Projects sa Rizal at Quezon.

Ang panawagan ng dalawang grupo ay kasabay ng pagdiriwang sa National Indigenous Peoples’ Day at International Day of the World’s Indigenous Peoples nitong August 9.

“Destructive corporate and government projects on mining, dams, energy, infrastructure, agribusiness, and other conflicting land uses encroached into ancestral domains while circumventing or manipulating FPIC and other public consultation and participation processes,” pahayag ng LRC at Panaghiusa.

Hinihiling din ng LRC at Panaghiusa ang pagpapahinto sa militarisasyon sa mga katutubong pamayanan, at ang red-tagging at kriminalisasyon sa Indigenous Peoples’ Human Rights Defenders (IPHRDs), at mga tagapagtanggol ng karapatan ng mga katutubo.

Gayundin ang pagpapawalang-bisa sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pamamagitan ng pagbawi sa Executive Order No. 70, at pagsasantabi sa Anti-Terrorism Law.

Iginiit ng dalawang grupo na patuloy na pinaparatangan ng maling akusasyon ang mga katutubo na naglalagay sa kanilang kapahamakan, at isinasantabi na lamang ang mahalagang gampanin ng mga ito sa pangangalaga sa kalikasan sa gitna ng kinakaharap na krisis sa klima.

“Indigenous territories are contested precisely because of the natural wealth they hold, while their contributions to climate adaptation and mitigation are on the other hand ignored,” ayon sa pahayag.

Una nang nanawagan sa pamahalaan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Indigenous Peoples chairman, Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na dinggin at pagtuunan ng pansin ang hinihiling na kaligtasan at karapatan ng mga katutubo sa bansa.

Oktubre 2015 nang lagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act no. 10689 na nagdedeklara sa Agosto 9 ng bawat taon bilang National Indigenous Peoples’ Day upang higit na isulong ang pangangalaga at pagbibigay-pansin sa karapatan ng mga katutubo sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 28,672 total views

 28,672 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 46,656 total views

 46,656 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,593 total views

 66,593 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,501 total views

 83,501 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 96,876 total views

 96,876 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 43,207 total views

 43,207 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top