12,176 total views
Tiniyak ng Caritas Philippines ang patuloy na pagsuporta sa Power for People Coalition (P4P) sa pagdiriwang ng P4P sa kanilang ika-10 taon ng pagkakatag.
Ayon sa Caritas Philippines, ito ay upang patuloy na maisulong ang kapakanan at karapatan ng mga konsyumer sa buong bansa tungo sa pagbabago.
Kasabay ito ng paninindigan ng mga mamamayan para sa patuloy na pagwawaksi at mga apela upang mabuwag ang paggamat ng fossil fuels na tanging pagkasira lamang sa kalikasan ang idudulot.
“The P4P – Power for People Coalition commemorates the tenth year of its founding at the August 2014 National People’s Conference on Coal and Renewable Energy in Davao. We celebrate a decade of fighting for and with communities and consumers across the country, and resistance against destructive coal and gas. Our fight for energy democracy and clean and affordable energy for all continues, Power to the people!,” ayon sa mensahe ng Caritas Philippines para sa P4P 10th Anniversarry.
Nangako naman ang P4P na patuloy na maninindigan para sa mga Pilipinong konsyumer upang maisulong ang kanilang karapatan higit na ng mga komunidad na kanilang kinabibilangan.
Paiigtingin ng grupo ang pagsusulong upang makamit ng Pilipinas ang makakalikasang pamamaraan ng pamumuhay na pinapangalagaan ang nilikha ng Diyos.
“The Power for People Coalition commemorates the tenth year of its founding at the August 2014 National People’s Conference on Coal and Renewable Energy in Davao. We celebrate a decade of fighting for and with communities and consumers across the country, and resistance against destructive coal and gas. Our fight for energy democracy and clean and affordable energy for all continues, Power to the people!” ayon naman sa mensahe ng Power for People Coalition.
Ang P4P ay kalipunan ng mga indibidwal, dalubhasa at grupo na isinusulong ang kapakan ng mga konsyumers hinggil sa wastong presyo at iba pang suliranin sa ekonomiya, kasabay ito ng pagtataguyod ng mga inisyatibong inaalagaan ang kalikasan laban sa pagkasirang idinudulot ng pagmimina, fossil fuels, coal mining at iba pa.
Kaugnay nito, ayon sa mga katuruan ng Laborem Exercens na ensiklikal ni Saint John Paul II, karapatan ng indibidwal na umapela o lumikha ng mga pamamaraan na mapapabuti ang kanilang buhay ayon sa halaga ng kanilang paggawa at pakikipag-kapwa sa lipunan.