8,340 total views
Umapela ang Think Tank group na Ibon Foundation sa pamahalaan na tutukan ang suliranin ng mga manggagawang Pilipino.
Kasunod ito ng pagsapubliko ng pamahalaan sa mga datos sa employment, unemployment at underemployment rate ng Pilipinas noong 2024.
Ayon sa Ibon Foundation, bagamat mayroong datos ang pamahalaan na bumaba sa 1.94-million ang unemployment rate noong 2024 kumpara sa 2.19-million noong 2023 ay nananatiling walang trabaho ang 27-libong Pilipino habang nawalan naman ng trabaho ang may 339-libong manggagawa.
“Research group IBON questioned the government’s claim that the Philippine labor market ended 2024 on a positive note and remained steady. The group said that the Marcos Jr administration is rather tone-deaf considering employment declined and unemployment rose. Millions of Filipinos also struggled with poor-quality jobs, low incomes and worsening poverty,” mensahe ng Ibon Foundation sa Radio Veritas.
Ang kawalan ng hakbang ng pamahalaan ay pagpapakita ng kawalan ng pag-alala sa kalagayan ng mga Pilipinong wala pa ring trabaho at mga natanggal sa trabaho.
Pinayuhan ng Ibon ang pamahalaan na huwag pilitin na positibo ang mga datos dahil patuloy na dumarami ang mga Pilipinong naghihirap.
“The prevalence of informal employment is another indication of the poor jobs situation. IBON estimates that there are 20.6 million openly informal workers or 41.1% of total employed persons. If those working in informal private establishments are counted, informal workers would reach 36 million, or 7 out of 10 employed persons,” paglilinaw ng Ibon
Paulit-ulit na hinihimok ni Pope Francis ang mga sangay ng simbahan na pagtuunan pansin ang pagbibigay ng de-kalidad na trabaho sa mamamayan lalu na ang mga kabataan.
Lalu namang pinapalakas ng Caritas Manila ang programa sa edukasyon upang mabigyan ng ‘enrollment to employment’ na tulong ang mga kabataang scholar ng Youth Servant Leadership and Education Program upang mai-angat ang pamumuhay ng pamilya na salat sa kayamanan.