51,465 total views
KAPANALIG, nalalapit na naman ang 2025 Midterm national at local elections… Lumabas sa pag-aaral ng PEW Research Center na mayorya sa mga Filipino ang nagpahayag na malaki ang papel ng bibliya(bible) sa pagbuo ng national law sa PIlipinas.
Sa survey ng PEW, 51-porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang malaki ang impluwensiya ng “Bible” sa national legislation o paggawa ng mga mambabatas ng batas at polisiya. 30-percent lamang ang naniniwalang walang masyadong impluwemsiya ang bbliya sa paggawa ng batas.
Inaalam ng PEW survey ang lebel o antas ng “religious nationalism globally”.
Ayon sa PEW ang “religious nationalists” ay mga indibidwal na naka-align sa kanilang historically predominant religion ang pagsusulong ng pananampalataya sa pamamahala at batas ng pamahalaan.
Kapanalig, napag-alaman sa pag-aaral na 85-porsiyento ng mga Filipino ang naniniwalang napakahalaga at malaki ang maitutulong ng relihiyon sa sosyodad o lipunan. Pagdating sa pamumuno, 58-percent ng mga Pilipino ang nagsasabing napaka-halaga sa isang national leader na ibahagi ang kanilang religious beliefs kung saan number one o highest ranking Christian majority ang Pilipinas sa ganitong aspeto.
Nilinaw din sa pag-aaral ang matibay na relasyon sa pagitan ng relihiyon at national identity kung saan ang 73-pecent ng mga Pilipino ang naniniwalang napakahalaga ng relihiyon upang makilalang tunay na Filipino.
Ang pagkilala sa relihiyon bilang isang national identity ay kabaliktaran sa mayayamang bansa tulad ng Spain 71-percent, Sweden 68-percent at France 61-percent na itinuturing na irrelevant sa kanilang national identity ang relihiyon.
Kapanalig, ang katotohanang ito ay unti-unti nang nawawala, lumiliit na ang impluwensya ng bibliya sa ating mga mambabatas. Sa kasalukuyan, malakas ang pagsusulong ng mga mambabatas ng mga panukalang pro-death, pro-divorce, pro-same sex marriages, anti-family at marami pang ibang panukala na labag sa katuruan ng simbahan.
Inaasahan natin sa darating na halalan sa Mayo 2025, ay gamitin natin ang mga principle ng OneGodly vote” sa ating pagpili ng mga Senador, Congressman at Party-list representative na magsusulong ng mga mabuting balita (salita) ng Panginoon.
Nabatid sa survey na ang malaki ang maitutulong ng relihiyon sa pag-unlad ng bansa at pagkakaisa ng mamamayan.
Napatunayan sa survey na mayorya sa ating mga Pilipino ay ipinagmamalaki ang ating pagiging Kristiyano’t-Katoliko. Kung ikaw ay Pilipino, ipinagmamalaki mo Kapanalig ang pagiging Katoliko.
Sumainyo ang Katotohanan.