Agarang aksyon, panawagan ng Bicol priests sa mga hindi natapos na kalsada sa Albay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 52,497 total reads

Nanawagan ng agarang aksyon ang mga pari ng Society of Our Lady of the Most Holy Trinity (SOLT) kasama ang mga miyembro ng BARACAS Cluster ng Diyosesis ng Legazpi sa Albay, kaugnay ng mga hindi pa tapos na proyektong kalsada na umano’y nagpapalala sa pagbaha at naglalagay sa panganib sa buhay ng mga residente.

Nagmula ang mga pari sa mga parokya sa Rapu-Rapu, Cagraray, Batan, at San Miguel sa Albay.

Sa nagkakaisang pahayag na nilagdaan ng mga Pari ay kanilang iginiit na sa halip na magdala ng kaunlaran, ang mga hindi natatapos na imprastraktura ay nagiging dagdag na pasanin sa mga komunidad na matagal nang dumaranas ng kahirapan.

Ayon sa mga Pari, ang mga sira at hindi kumpletong kalsada ay humahadlang sa maayos na daloy ng tubig-ulan, na nagdudulot ng mas malalang pagbaha, habang ang pagkasira naman ng mga water source ay lalong nagpapahirap sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga pamilya.

“Our communities deserve roads that connect, not endanger; infrastructures that uplifts, not burdens; and leadership that acts with urgency, integrity, and genuine concern for the people.” Bahagi ng liham apela ng mga pari ng Society of Our Lady of the Most Holy Trinity (SOLT).

Binigyang-diin din ng mga pari, na ang mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap ang una at pinaka-naapektuhan kapag ang mga proyekto ay napabayaan.

Hinimok naman ng mga pari ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na magbigay ng malinaw at regular na update sa estado ng mga proyekto, tiyakin ang mabilis at de-kalidad na pagtatapos ng mga kalsada, at agarang ayusin ang mga pinagkukunan ng tubig na mahalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga komunidad.

Bilang mga pastol ng Simbahan, iginiit ng mga Pari na bahagi ng pananampalataya ang pagtataguyod ng buhay, dignidad, at kapakanan ng mamamayan, gayundin ang tunay na pag-unlad na may ganap na pagmamalasakit sa tao at maging sa kalikasan.

“Moved by pastoral concern and united in mission to uphold the dignity and welfare of the communities entrusted to our care, we come together to raise this urgent appeal. Our intentions is not political, but moral. It is rooted in compassion, justice, and the responsibility we all share in safeguarding our people from harm.” Paglilinaw ng mga Pari ng diyosesis.

Partikular na nanawagan ang mga Pari kay Governor Noel Rosal at sa iba pang lokal na opisyal ng pamahalaan sa Albay, gayundin sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways at Department of Environment and Natural Resources.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 125,388 total reads

 125,388 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 158,717 total reads

 158,717 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 190,861 total reads

 190,861 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 256,924 total reads

 256,924 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 268,079 total reads

 268,079 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top