Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

AJKC, muling nagbukas matapos magsara dahil sa COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

 429 total views

Tiniyak ng Arnold Janssen Kalinga Center (AJKC) ang patuloy na pagkakaloob ng tulong, suporta at pagkalinga sa mga palaboy sa muling pagbubukas ng pasilidad dalawang taon matapos ito ay magsara dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Rev. Fr. Flavie Villanueva – Founder ng Arnold Janssen Kalinga Center,kasabay ng paggunita ng ika-7 anibersaryo ng pasilidad ay muli itong nagbukas noong ika-16 ng Hulyo, 2022.

Misyon ng AJKC ang makapagkaloob sa mga palaboy o walang tahanan ng libreng pagkain at pagkakataon upang makapaligo at makapaglinis ng katawan bilang pagbibigay halaga sa dignidad ng pagkatao.

“Our Arnold Janssen Kalinga Center (AJKC) was locked down by the police, the barangay captain, and his cohort on the first day of the COVID-19 lockdown. But to mark the milestone of Arnold Janssen Kalinga Center’s 7th year anniversary, we are re-opening on July 16, 2022 to continue providing dignified food, showers, and support for our dear homeless sisters and brothers,” ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Flavie Villanueva.

Ayon sa Pari, layunin ng muling pagbubukas ng pasilidad ang maipalaganap sa bawat isa ang mensahe na ang pagkakawang-gawa at pagbabahagi ng biyaya sa kapwa ay walang pinipiling oras o hangganan tulad na lamang ng pandemya.

Tiniyak rin ni Fr. Villanueva na patuloy na tutupdin ng Arnold Janssen Kalinga Center (AJKC) ang mga ipinatutupad na minimum safety health protocol bilang pag-iingat sa COVID-19.

“We at Arnold Janssen KALiNgA Center, a center that seeks to provide dignified “Kain-Aral-Ligo Ng Ayos for our dear homeless sisters and brothers are resolve to follow the protocols of Covid-19. But we are more fervent in sending a message to all people of goodwill: “compassion knows no time, boundaries and pandemic,” dagdag pa ni Fr. Villanueva.

Inihayag ng Pari na sa gitna ng pangamba at kawalan ng katiyakan ay higit na nag-aalab ang kanilang pagnanais na makatulong sa mga nangangailangan upang maipadama ang habag, awa, at pagmamahal ng Panginoon sa sangkatauhan.

Nanawagan naman si Fr. Villanueva sa lahat ng mga may mabubuting puso at nagnanais na magbahagi ng biyaya sa kapwa na maging katuwang ng Arnold Janssen Kalinga Center (AJKC) sa pagbabahagi ng ‘dignified, systematic and holistic care’ para sa mga palaboy o walang sariling tahanan.

“Come and be a partner in the mission of providing dignified, systematic and holistic care to the MOST – Marginalized, Outcast, Suffering and Tormented,” paanyaya ng pari

Unang inihayag ng Pari na may tatlong bahagi ang misyon ng Arnold Janssen Kalinga Center na pagbibigay ng pangkabuuan at sistematikong pagpapahalaga sa dignidad ng bawat nangangailangan,pagkakaloob ng alternative learning system at mapagkakakitaan upang muling maibalik ang self-worth ng bawat isa para sa pagkakaroon ng panibagong buhay.

Matatandaang noong nakalipas na taon ay personal na nakibahagi ang kinatawan ng Santo Papa Francisco sa bansa sa paggunita ng ika-6 na anibersaryo ng Arnold Janssen Kalinga Center sa Tayuman, Manila.

Ipinaabot ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang paghanga at pagkilala sa lahat ng mga nasa likod at nangangasiwa sa pasilidad.

Taong 2015 ng itinatatag ng Society of Divine Word (SVD) congregation ang St. Arnold Janssen Kalinga Center upang magkaloob ng tulong para sa mga nangangailanngan lalo na ang mga palaboy sa lansangan na walang permanenteng tirahan sa syudad ng Maynila.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 12 total views

 12 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 10,555 total views

 10,555 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 18,995 total views

 18,995 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 35,142 total views

 35,142 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 43,267 total views

 43,267 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 4,040 total views

 4,040 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top