Karapatang-pantao, nalabag sa pagtatayo ng New Manila International Airport sa Bulacan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,265 total reads

Sari-saring paglabag sa karapatang-pantao ang nararanasan ng mga apektadong residente ng Talipip, Bulakan, Bulacan dahil sa banta ng New Manila International Airport Project o Bulacan Aerotropolis ng San Miguel Corporation.

Ayon kay University of the Philippines – Diliman, Department of Community Development Assistant Professor Dr. Baleng Lagos, taong 2017 pa lamang ay humihiling na ng paliwanag at karagdagang impormasyon mula sa lokal na pamahalaan ang mga mangingisda ng Taliptip tungkol sa proyektong paliparan.

Ngunit lumipas na ang mga taon ay hindi pa rin ito nalilinaw hanggang sapilitan nang pinaalis ang mga apektadong pamilya sa kanilang mga tahanan.

“Laging nabibigo ‘yung mga dayalogo at laging sinasabing either wala pang kasiguraduhan ‘yang airport na ‘yan, hindi namin alam ang tungkol d’yan sa airport na ‘yan. Halos sabihin na nilang ‘tsismis lang ‘yan’,” ayon kay Lagos sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit din ni Lagos na taliwas ang pahayag ng SMC kung saan sinasabing matutulungan ng kanilang proyekto na maiangat ang buhay ng mga apektadong komunidad.

Pagbabahagi ng propesor na batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa mga mangingisda, wala pa rin silang natatanggap na maayos na kumpensasyon matapos na paalisin sa kanilang mga tahanan at alisan ng hanapbuhay.

Nagkakahalaga lamang ng P30,000 ang kumpensasyon mula sa kumpanya na hindi rin sasapat sa pagpapatayo ng mga bagong tahanan at pagsisimula ng pagkakakitaan.

“Actually, mas kawawa ‘yung mga napilitang tumanggap ng compensation kaysa dun sa mga naggiit na gusto nila ng relocation houses,” ayon kay Lagos.

Samantala, nananawagan naman si Fr. Francis Cortez, tagapagsalita ng Bulacan Ecumenical Forum kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr na muling suriin ang proyektong paliparan.

Sinabi ng pari na sang-ayon ang grupo sa mga layunin ng pamahalaan upang umunlad ang ekonomiya ng bansa ngunit dapat ding isaalang-alang ang magiging epekto nito sa kalikasan at mga apektadong komunidad.

Pagbabahagi ni Fr. Cortez na maliban sa mga palaisdaan lubha ring naapektuhan ng reklamasyon ang mga mangrove trees sa tabing-dagat, gayundin ang hanapbuhay ng mga magsasaka sa mga karatig na bayan at pamayanan dulot naman ng mga pagbaha.

Batay sa ulat, aabot na sa 700 pamilya ang sapilitang pinaalis sa kanilang mga tahanan at madaragdagan pa ito upang tuluyang maisakatuparan ang pagtatayo sa Bulacan Airport.

Ang Bulacan Aerotropolis ay nagkakahalaga ng P700-bilyon at may sukat na humigit-kumulang 2,500-ektarya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 76,635 total reads

 76,635 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 117,194 total reads

 117,194 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 140,448 total reads

 140,448 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 188,716 total reads

 188,716 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 207,816 total reads

 207,816 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 131,277 total reads

 131,277 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top