Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Aktibong pakikibahagi ng kabataan sa BSKE, inaasahan ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

 3,048 total views

Umaasa ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na maging aktibo ang mga kabataan sa pakikibahagi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay PPCRV Chairman Evelyn Singson, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa nakatakdang halalang pambarangay lalo na sa paghahalal ng karapat-dapat na mga opisyal na mamumuno at mangangasiwa ng kaayusan at kapakanan ng pamayanan.

“Ang hope ko talaga dahil Kabataang Barangay ito, lahat ng mga bata ay maging active na magregister at bumoto dahil ang boto nila ang magde-determine kung anong klaseng pamamahala yung binoto na ibibigay sa kanila, kaya bumuto sila ng tama para yung serbisyo ng barangay captain sa kanila ay talagang magreredown to their benefit.” Ang bahagi ng pahayag ni PPCRV Chairman Evelyn Singson sa Radio Veritas.

Tiwala naman si Singson sa patuloy na suporta at aktibong partisipasyon ng mga volunteer ng PPCRV sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa upang mabantayan ang kabuuang proseso ng nakatakdang halalang pambarangay.

Paliwanag ng Singson, higit pa sa anumang halaga ay mas makabuluhan ang pagbabantay ng katapatan at kaayusan ng halalan para sa kinabukasan ng bayan.

“Lahat naman tayo dapat maging active, ito yung kinabukasan natin although sa PPCRV nagpapasalamat ako, talagang very dedicated, very altruistic lahat tayo, nagsisilbi wala naman tayong mapapala pero alam natin ang mapapala natin hindi financial pero makakabuti sa kabuhayan natin.” Dagdag pa ni Singson.

Ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang kauna-unahang halalan na pangangasiwaan ni Singson mula ng maitalaga bilang bagong chairman ng PPCRV noong Agosto ng nakalipas ng taong 2022.

Batay sa Calendar of Activities ng Commission on Elections (COMELEC) magsisimula ang election period para sa halalang pambarangay sa August 28, 2023 kung saan maari ng maghain ng Certificate of Candidacy ang sinumang nagnanais tumakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa October 30, 2023

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 18,688 total views

 18,688 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 38,373 total views

 38,373 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 76,316 total views

 76,316 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 94,476 total views

 94,476 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 33,231 total views

 33,231 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
1234567