Alin ang mas kahiya-hiya?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,015 total reads

Mga Kapanalig, nais ng bagitong mambabatas na si Senador Robin Padilla na ipa-ban ang isang Hollywood movie dahil sa aniya’y negatibong paglalarawan sa Pilipinas. 

Bilang Muslim, masakit daw para sa senador na makitang masamâ at pangit na imahe pa rin ng Mindanao—partikular na ng Jolo sa probinsya ng Sulu—sa pelikula kahit pa kathang-isip lamang ito. Umiikot ang kuwento ng pelikula sa isang pilotong nag-emergency landing ang eroplano sa Jolo na kontrolado kunwari ng mga armadong grupong kumakalaban sa gobyerno. Magiting na nakipaglaban ang piloto upang iligtas ang mga pasahero niya mula sa kamay ng mga rebelde.  

“Reputasyon ng Inang Bayan”, ani Senador Padilla, ang nakataya sa pelikula. Parang binabanatan daw ng mga dayuhang lumikha ng pelikula ang ating bayan. Dagdag pa niya, matagal na raw na wala ang militar sa Jolo; ibig sabihin, mapayapa na sa lugar na iyon. Nakahanap naman ng kakampi si Senador Padilla kay Senate President Juan Miguel Zubiri na bagamat trailer lamang ng pelikula ang napanood, sinabi niyang dapat iprotesta ng Pilipinas ang pagpapalabas ng naturang pelikula. Malayo raw ito sa totoong nangyayari sa Sulu. Hindi rin daw ito makatutulong sa ating turismo. Bilang tugon sa panawagan ng mga senador, ire-reevaluate ng Movie and Television Review and Classification Board (o MTRCB) ang pelikula. 

Kung mamarapatin ng ating mga senador, may iba pang mga pangyayari sa ating bansa ang mas kahiya-hiya hindi lang sa paningin ng mga dayuhan kundi sa ating mga Pilipino mismo.  

Isang halimbawa ay ang matinding trapik at pagtitiis ng mga mananakay. Maraming oras ang nasasayang sa kanilang pagpila habang naghihintay ng masasakyang bus o tren. Asahan nating titindi pa ito sa pansamantalang suspensyon ng operasyon ng Philippine National Railways sa loob ng limang taon upang bigyang-daan ang konstruksyon ng  North-South Commuter Railway. At ngayong linggo nga ay mayroong transport strike. 

Hindi rin maganda sa ating imahe ang nangyaring pagpatay kamakailan sa isang turista mula sa New Zealand. Pinatay siya matapos subukang manlaban sa mga holdaper na riding-in-tandem. Nakuha sa turista ang kanyang cellphone at wallet. Bagamat lumutang na ang sinasabing suspek matapos mag-anunsyo ang kapulisan ng kalahating milyong pisong pabuya, ano ang garantiyang magiging ligtas ang mga dayuhang bumibisita sa ating bansa? 

At nakatutulong din ba sa ating imahe ang pagkulong sa mga hindi naman napatutunayang nagkasala sa batas? Si dating Senadora Leila de Lima, halimbawa, ay anim na taon nang nakabilanggo para sa mga kasong gawa-gawa lamang. Samantala, malaya’t hindi pinapanagot sa batas—ang ilan nga ay may posisyon pa sa gobyerno—ang mga napatunayang nagnakaw sa kaban ng bayan. Anong imahe ang ipinipinta nito tungkol sa sistemang pangkatarungan sa ating bansa?  

Ang sigasig ng mga senador na umaalma sa isang kathang-isip na kuwento ng isang pelikula ay makita rin natin sana sa pagtugon nila sa mga totoong isyung kinakaharap natin. Anong batas ang isinusulong nila upang gumaan naman ang pagbiyahe ng mga mananakay? Anong patakaran ang nais nilang ipatupad ng kapulisan upang maging panatag hindi lamang ang mga dayuhan kundi ang lahat ng mamamayan sa tuwing nasa labas sila ng kanilang tahanan? May gagawin ba sila upang makalaya na ang mga patuloy na ginigipit ngunit wala namang kasalanan?  

Mga Kapanalig, hanapin natin sa ating mga lider ang mga lingkod-bayang nababagabag sa tunay na kalagayan ng ating lipunan, gaya ng sinasabi ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Evangelii Gaudium. Ang mga nasa pamahalaan—lalo na ang mga nasa matataas na posisyon—ay binigyan ng maraming bagay, kaya, wika nga sa Lucas 12:48, dapat silang hanapan ng marami at panagutin ng lalong marami. Sana, pagtuunan din nila ng pansin ang mga bagay na tunay na mas kahiya-hiya. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 122,976 total reads

 122,976 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 157,654 total reads

 157,654 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 179,717 total reads

 179,717 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 216,203 total reads

 216,203 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 226,853 total reads

 226,853 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 122,977 total reads

 122,977 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 157,655 total reads

 157,655 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 179,718 total reads

 179,718 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 216,204 total reads

 216,204 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top