Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Alin ang “unchristian”?

SHARE THE TRUTH

 203 total views

Mga Kapanalig, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa ating bansa, “unchristian question” para kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang tanong ng isang reporter tungkol sa agad-agad niyang pagkakaroon ng kuwarto sa Philippine General Hospital (o PGH) kahit full capacity na ang mga ospital sa Metro Manila. Muli raw kasi siyang nag-positibo sa virus at kinailangang ma-confine.

Ngunit hindi ang pangangailangan niya ng atensyong medikal ang kinukwestiyon dito, kundi ang kanyang mabilis na pagkakaroon ng access dito.

Batay sa datos ng Philippine College of Emergency Medicine (o PCEM), higit 310 COVID-19 patients ang nangangailangan ng kuwarto sa 14 nitong ospital sa Metro Manila at Cavite. Bagamat 14 na ospital lamang ito sa 159 na pangkalusugang pasilidad sa buong Metro Manila at Cavite, nagpapakita itong punung-puno na ang mga pampubliko at pribadong ospital at nahihirapan na ang mga itong tugunan ang pangangailangan ng mga pasyente.

Sa kabila ng kawalan ng datos na inilalabas ng Department of Health (o DOH) tungkol sa bilang o dami ng mga pasyenteng nangangailangan ng kalinga sa ospital ngunit hindi nakaka-access dito, ang mga kuwento ng mga kababayan nating inaabutan na ng kamatayan nang hindi nakakapagpaospital ay patunay na hindi na kinakaya ng ating sistemang pangkalusugan ang dami ng pasyenteng may malalang sintomas ng COVID-19. Halimbawa na lamang si Lailee Parreño na namatay sa loob ng kaniyang sasakyan kung saan siya napilitang mag-isolate. Pinilit siyang dalhin ng kaniyang mga kaibigan sa iba’t ibang ospital sa Kamaynilaan ngunit walang tumanggap sa kanya dahil puno na ang mga ito, hanggang sa tuluyan siyang pumanaw.

Kaya’t paano masasabing “unchristian” ang tanungin kung paanong agad-agad natanggap sa ospital ang isang taong nasa posisyon habang ang ating mga kababayan ay inaabutan na ng kamatayan sa paghahanap ng serbisyong medikal? Sabi nga ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, walang “unchristian” sa tanong na ito. Nararapat na lamang na bilang isang opisyal ng pamahalaan ay maging bukás o transparent sila sa taumbayan. Dagdag pa ni Fr. Fiel Pareja ng Diyosesis ng San Fernando, hindi ugali ng isang Kristiyano ang panlalamang sa kanyang kapwa.

Bilang mga Kristiyano, patuloy nating tanungin ang ating pamahalaan kung bakit sa halip na bigyang-tugon ang pangangailangan ng ating mga kababayan, tila mas inuuna pa nila ang kanilang mga sarili. Patuloy natin silang tanungin kung ginagamit nga ba nila ang kanilang kapangyarihan upang mapabuti ang kalagayan ng libu-libong pasyente o ginagamit lamang nila ito para sa ikakabuti nila. Tandaan natin ang sinabi ng Diyos sa Deuteronomio 15:11: “Kailanma’y hindi kayo mawawalan ng mga kababayang mangangailangan, kaya sinasabi ko sa inyong ibukas ninyo ang inyong mga palad sa kanila.” Hindi “unchristian” ang pagpapanagot sa mga nasa kapangyarihan dahil tayong mga taumbayan mismo ang nagbigay sa kanila ng tungkuling tiyaking nauuna ang kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng dukha at mahihina sa lipunan.

Ipinapaalala rin sa atin ni Saint Pope John Paul II at ng mga panlipunang turo ng Simbahan na kaakibat ng pagmamahal sa ating kapwa nang may pagkiling sa mahihirap (o preferential option for the poor) ang pagkakaloob sa kanila ng sapat at makataong serbisyong medikal. Sa Catholic social teaching na Sollicitudo Rei Socialis, kapantay ang pagtanggap ng maayos na serbisyong medikal ang iba pang pangangailangan ng tao, katulad ng sapat na pagkain, maayos na tirahan, at maging ang pagkakaroon ng pag-asa.

Mga Kapanalig, sa gitna ng patuloy na pandemya na pinapalalâ pa ng pagiging unchristian ng ginagawa ng iilang nasa kapangyarihan, patuloy nawa nating piliing mahalin ang ating kapwa sa pamamagitan ng pagkalampag sa pamahalaan na maging tapat sa tungkulin nito. Ito ang gawain ng isang mabuting Kristiyano.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 4,421 total views

 4,421 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 10,394 total views

 10,394 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 16,149 total views

 16,149 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 23,412 total views

 23,412 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 31,397 total views

 31,397 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 4,422 total views

 4,422 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 10,395 total views

 10,395 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 16,150 total views

 16,150 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 23,413 total views

 23,413 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 31,398 total views

 31,398 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,350 total views

 35,350 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,354 total views

 47,354 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,396 total views

 55,396 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,953 total views

 46,953 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,378 total views

 45,378 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,164 total views

 47,164 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,089 total views

 44,089 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,403 total views

 58,403 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,093 total views

 62,093 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,696 total views

 60,696 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top