Pamahalaan, hinimok na ibilang sa vaccine rollout ang mga lingkod ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 639 total reads

Umaasa ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines na ganap na kilalanin ng pamahalaan bilang fronliners ang mga madre at mga nagtalaga ng kanilang sarili sa buhay konsakrato.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Rev. Fr. Angel Cortez, marami sa mga lingkod ng Simbahan na maituturing na Church frontliners ang sinusuong din ang panganib ng COVID-19 pandemic upang maipahatid at maipadama sa mga nangangailangan ang pagmamahal at awa ng Panginoon.

Ipinaliwabag ng Pari na dapat ring kilalanin ang pagsusumikap ng lahat na mapagaan ang nararanasang paghihirap ng mga kapus-palad at mga nahawaan ng virus na lubos na apektado ng pandemya.

“Tayo ang Simbahan, kabahagi ng Simbahang ito ang mga layko at nagtalaga ng kanilang buhay sa pagpapari at pagmamadre at buhay konsakrato. Marami sa kanila ang sinusuong ang delikadong sitwasyong ito upang maihatid ang mainit na pagmamahal ng Diyos lalong lalo sa mga kapus palad, maging sa gawaing pang esperitwal man o kawang gawa. Sila ang mga tinatawag nating Church frontliners na handang magbigay ng sarili na hindi nag-aantay ng kapalit.” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radio Veritas.

Panawagan ng Pari ang pagkilala sa lahat ng lingkod ng Simbahan bilang mga frontliners at bigyang halaga lalo na sa kasalukuyang vaccine program ng pamahalaan.

“Panawagan po sa gobyerno na huwag naman kalimutan ang mga taong Simbahan na nagbibigay ng kanilang serbisyo para sa Diyos at para sa bayan. Kilalanin po natin sila at nawa’y masama sa A4 na nararapat sa kanilang ginagampanan. Salamat po sa pakikinig at pang unawa.” Dagdag pa ni Fr. Cortez.

Batay sa pinakabagong inaprubahang priority group ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay ang pagkakapabilang sa A4 priority group ng mga guro, commuter transport workers, market vendors, mga kawani ng mga grocery stores, supermarkets, mga kabilang sa mga delivery services kasama na rin ang mga pari, rabbis at iba pang mga lider ng iba’t ibang denominasyon, media workers, Overseas Filipino Workers at mga security guard sa mga ahensya at organisasyon na itinuturing na priority industry ngayong panahon ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 24,526 total reads

 24,526 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 55,798 total reads

 55,798 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 134,199 total reads

 134,199 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 228,425 total reads

 228,425 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 288,130 total reads

 288,130 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 21,507 total reads

 21,507 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top