VeritasPH

The Word, The Truth

Ang batayan ng tiwala sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 331 total views

Mga Kapanalig, sa panahon ng mahigpit na pangangailangang maprotektahan ang ating mga kababayan sa sakit na dulot ng Covid-19, nagsusumikap ang pamahalaan upang maparami ang mga mababakunahan sa lalong madaling panahon.

Lumutang kamakailan ang mungkahing magtayo ng isang malaking “vaccination facility” sa lupang pag-aari ng gobyerno kung saan naroon ang Nayong Pilipino, isang pasyalang nagtatampok ng mga replika ng magagandang tanawin sa ating bansa.  Ang pagtatayuan ng nasabing pasilidad ay nakapaloob umano sa isang “buffer zone” ng isang itinuturing na “protected area” kung saan may mga gumagalang hayop at mga ibong napapadpad at sumisilong sa mga puno roon. Mabubulabog ang mga ito sakaling ipatayo ang bagong istruktura doon.

Sa kabila ng magandang layuning mapabilis nga ang pagbabakuna sa mga tao, nagkaroon ng kontrobersya ang panukala. Isang pribadong kumpanya ang nag-alok na magpatayo ng temporary vaccination facility, ngunit ayon sa nagbitiw na pinuno ng board of directors ng Nayong Pilipino Foundation, wala raw naibigay na mga dokumentong maaaring magbigay ng legal na basehan upang pahintulutan ang isang pribadong kompanyang gamitin ang lupang pag-aari ng gobyerno.

 

PSD Toktok

 

Sa panig naman ng pribadong kompanya, hindi naman daw permanente ang itatayong pasilidad, Itatayo raw ito sa isang “reclaimed” na bahagi ng nasabing lupain na hindi naman daw ginagamit. Mas mainam daw ang pagtatayo ng isang malaking pasilidad kaysa ipaubaya lamang sa mga lokal na pamahalaan ang pagbabakuna. Sa katunayan, kailangan daw ng marami pang malalaking ganitong pasilidad upang mabilis magawa ang nararapat na pagbabakuna ng mga mamamayan. Sinang-ayunan ng mga kalihim ng Department of Health at Department of Tourism, pati ng Malacañang ang nasabing proyekto.

Sa palitan ng mga argumento ng magkabilang panig, tila wala namang pagtatalo sa pagtatayo ng nasabing pasilidad kung susundin lamang ang nakasaad sa batas na magkaroon ng legal na batayan sa pagpapagamit ng lupa ng gobyerno sa isang pribadong kumpanya. Ang pagsunod sa batas ay sandigan ng isang matatag na demokratikong lipunan sapagkat ang bawat isa—indibidwal man, kumpanya, o gobyerno—ay inaasahang sumunod sa batas.  Sa ganitong paraan nabubuo at tumitibay ang tiwala ng mga pinamumunuan sa mga namumuno.

Sinasabi ng mga pag-aaral na ang mauunlad na bansa ay sagana sa ganitong uri ng tiwala, kaya hindi nasasayang ang oras at pera nila sa mahahaba at kumplikadong proseso para lamang magawa ang mga dapat gawin. Lahat kasi ay sumusunod sa patakaran at sa batas.  Samantala, ang mga mahihirap na bansa ay maraming inaaksayang panahon at pera sa mga kumplikadong regulasyon, pati na sa panunuhol o korapsyon, para lamang magawa ang mga dapat gawin.

Ang kahalagahan ng tiwala sa pagitan ng namumuno at pinamumunuan ay nakasalalay sa pagtupad at pagsunod sa batas. Ito ang karunungang nais ipabatid ng 1 Pedro 2:13 sa mga nananampalatayang “magpasakop kayo sa bawat pamamahalang itinatag ng tao alang-alang sa Panginoon.” Ang pagsunod sa batas alang-alang sa Panginoon ay magbubunga ng maayos na lipunan.

Ngunit ano naman ang tungkulin ng pamahalaan sa pagsunod sa batas? Ayon sa Pacem in Terris, napapangalagaan ang kabutihan ng lahat kapag natitiyak ang mga karapatan at tungkulin ng mga mamamayan. Kapag napoprotektahan, nirerespeto, at naisusulong ang mga karapatan ng mga mamamayan, mas nagagampanan nila ang kanilang mga tungkulin sa lipunan. At ito ang layunin kung bakit may mga batas tayong binuo nang may pagsang-ayon ng mga pinamamahalaan: ang siguruhing napapangalagaan ang kanilang kapakanan.

Mga Kapanalig, upang tumibay ang tiwala ng mga mamamayan sa mga namamahala sa kanila, napakahalagang ang naaayon sa batas ang mga kilos ng pamahalaan. At kapag may tiwala ang tao, ang pag-unlad at kabutihan ng lahat ay mas madaling nakakamit.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,635 total views

 11,635 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,680 total views

 19,680 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 24,760 total views

 24,760 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,467 total views

 30,467 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,255 total views

 39,255 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 11,636 total views

 11,636 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 19,681 total views

 19,681 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 24,761 total views

 24,761 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 30,468 total views

 30,468 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 39,256 total views

 39,256 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,651 total views

 40,651 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,965 total views

 54,965 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,655 total views

 58,655 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,258 total views

 57,258 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,245 total views

 67,245 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,213 total views

 71,213 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,100 total views

 82,100 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,539 total views

 94,539 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,297 total views

 105,297 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,550 total views

 52,550 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top