Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang dangal ng paggawa

SHARE THE TRUTH

 414 total views

Mga Kapanalig, ngayong Araw ng Paggawa o Labor Day, muling binibigyan ng atensyon ang kalagayan ng mga manggagawa, at sa pangkalahatan, marami pa ring hamon ang kanilang kinakaharap.

Sa ating bayan, patuloy ang mga panawagang itaas ang sahod ng mga empleyado sa gitna ng mataas pa ring halaga ng mga bilihin at serbisyo. Bagamat nakinabang ang maraming manggagawa sa TRAIN dahil itinaas nito ang halaga ng sahod na pinapatawan ng buwis kaya’t may mga na-exempt sa pagbabayad ng income tax, hindi naman ito nagdulot ng positibong pagbabago sa mga minimum wage earners na exempted naman na sa pagbabayad ng buwis na ito. Sa katunayan, dehado pa nga ang mga sumasahod nang minimum dahil wala na ngang nadagdag sa kanilang naiuuwi para sa kanilang pamilya, mas nabawasan pa ito dahil sa tumaas nilang gastusin. Paano pa kaya ang mga manggagawang nasa impormal na sektor ng ekonomiya? Nagtatrabaho rin sila ngunit wala namang mga benepisyong katulad ng natatanggap ng mga nasa pormal na sektor ng paggawa.

Nariyan pa rin ang isyu ng contractualization, lalo na ang isang porma nitong kung tawagin ay “endo” o end of contract. Ang mga endo ay may trabaho lamang nang ilang buwan at walang kasiguruhan kung makakukuha sila agad ng trabaho pagkatapos mapasô ang kanilang kontrata. Matatandaang naglabas ng executive order noong isang taon si Pangulong Duterte bilang pagtupad daw sa pangako niyang tutuldukan ang contractualization, ngunit wala naman daw itong halaga para sa mga kilusang manggagawa dahil inuulit lamang nito ang mga ipinagbabawal na ng batas.

At sa pagdami ng mga dayuhang manggagawa sa Pilipinas, partikular na ang mga mula sa China, sinasabing naagawan daw ng trabaho ang mga Pilipino. Sa isang pagdinig ng Senado noong Nobyembre ng nakaraang taon, inamin ng mga opisyal ng Bureau of Immigration na napakarami ngang Tsino ang nabigyan ng special working permit upang makapagtrabaho rito bilang construction workers o mga kahera, mga trabahong kayang-kaya namang gampanan ng mga kababayan nating naghahanap ng trabaho. Nagsulputan din ang mga negosyo ng mga Tsino sa bansa, at ilan sa mga ito ay mga kapwa-Tsino rin ang kinukuhang manggagawa. Halibawa, sa industriya ng Philippine-based offshore gaming operations o POGO at iba pang negosyong nangangailangan ng mga trabahador na marunong magsalita ng Mandarin, tinatayang aabot sa 250,000 na manggagawang Tsino ang narito sa bansa.

Malinaw ang nakasaad sa ating Saligang Batas: “Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at ‘di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa employment para sa lahat.” Dagdag pa rito, “Dapat magtaguyod ang Estado ng makiling na paggamit ng paggawang Pilipino”, ibig sabihin, mga Pilipino dapat ang unang makinabang sa mga oportunidad sa pagtatrabaho sa sarili nilang bayan.

Kung sapat ang pagtutok ng pamahalaan sa paghikayat ng mga mamumuhunang makapagbibigay ng pangmatagalang trabaho at disenteng hanapbuhay sa mga Pilipino, hindi na siguro pipiliin ng mga kababayan nating makipagsapalaran sa ibang bansa upang makapagtrabaho lamang. May mga hindi na mangangailangang maghanap na dagdag na trabaho para lamang punan ang kakulangan sa kanilang maliit na sinasahod. May mga hindi na kakapit sa patalim para lamang may maipambili ng pagkain para sa kanilang pamilya. Hindi siguro aabot sa halos 10 milyong Pilipino, ayon na rin sa SWS, ang walang trabaho.

Mga Kapanalig, gaya ng itinuturo sa atin ng Catholic social teaching na Laborem Exercens, mabuti para sa tao ang gumawa dahil hindi lamang nito pinayayabong at pinayayaman ang mundong ipinagkaloob ng Diyos, natutupad niya ang kanyang pagiging tao at sa ganitong paraan, higit siyang nagiging tao. Samakatuwid, ang kawalan ng trabaho ay paglabag sa dignidad ng tao.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 2,347 total views

 2,347 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 15,487 total views

 15,487 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 21,460 total views

 21,460 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 27,215 total views

 27,215 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 34,478 total views

 34,478 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 2,348 total views

 2,348 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 15,488 total views

 15,488 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 21,461 total views

 21,461 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 27,216 total views

 27,216 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 34,479 total views

 34,479 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,773 total views

 40,773 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,154 total views

 36,154 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,158 total views

 48,158 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,200 total views

 56,200 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,757 total views

 47,757 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,182 total views

 46,182 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,968 total views

 47,968 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,893 total views

 44,893 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,207 total views

 59,207 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,897 total views

 62,897 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top