Listahan ng iboboto, ‘wag kalimutan sa araw ng halalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total reads

Hinikayat ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang mga botante na ihanda na ang kanilang listahan ng mga ibobotong kandidato bago pa man ang nakatakdang halalan sa ika-13 ng mayo.

Ayon kay Archbishop Jumoad, ngayon pa lamang ay pag-isipan ng mabuti ang mga isusulat sa balota at itala na ito sa papel upang hindi makaligtaan.

“Kailangan, maybe five days before then you have to know whom to vote para madali lang duon sa voting precinct. Because if you have no list, mahihirapan po tayo,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Tagubilin pa ng arsobispo sa mga botante na piliin ang mga kandidatong magdadala sa atin palapit sa Panginoon.

“Always remember the commandment of the Lord, to really vote for a leader that we will bring us closer to God. And then also a man that is prayerful at may takot sa Panginoon, yun ang importante,” ayon kay Archbishop Jumoad.

BUMOTO NG NAAYON SA KONSIYENSA

Ito naman ang naging tagubilin ni Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio sa mga mamamahayag, pulis at sundalo na nakilahok sa local absentee voting bago ang nakatakdang halalan sa ika-13 Mayo.

Ang local absentee voting ay nagsimula noong Lunes at nagtapos ngayong Mayo 1 sa mga itinalagang voting precinct.

Ang absentee voting ay isinagawa ng Comelec lalu sa mga botanteng kabilang sa mga magbabantay sa halalan tulad ng mga pulis, sundalo at media.

Hinikayat din ng obispo ang mga pulis at militar na maging mahinahon sa araw ng halalan at tiyakin ang kaligtasan ng lahat.

“For the coming election on May 13, hopefully maging mahinahon tayo and let us always pray for guidance sa Holy Spirit and at the same time think of the common good,” ayon kay Bishop Florencio.

Base sa tala ng Comelec, higit sa 30 libong botante ang inaprubahan para sa local absentee voting na ang mayorya ay mula sa Philippine Army na may higit sa 20 libong botante.

Sa kabuuan, higit sa 60 milyon ang bilang ng mga registered voters na makikibahagi sa midterm-elections para punan ang higit sa 18 libong posisyon sa pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 33,077 total reads

 33,077 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 69,117 total reads

 69,117 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 295,387 total reads

 295,387 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 188,854 total reads

 188,854 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 281,136 total reads

 281,136 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 6,070 total reads

 6,070 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top