VeritasPH

The Word, The Truth

Ang federalismo at ang mga bilanggo

SHARE THE TRUTH

 197 total views

Mga Kapanalig, ilang araw bago ilahad ni Pangulong Duterte ang kalagayan ng ating bansa sa kanyang ikatlong SONA, ipinasa sa kanya ng Consultative Committee (o Con-Com) ang isang draft Federal Constitution na pag-aaralan ng Kongreso upang ipalit sa kasalukuyan nating Konstitusyon. Umuusad na nga ang pagsusulong ng federalismo bilang bagong porma ng pamahalaan, at dapat nating tutukan ito.

Gayunman, maliban sa pagsusuri sa nilalaman ng nasabing draft, marapat din nating suriin: sulit nga ba ang igugugol ng pamahalaan upang makatawid tayo patungo sa isang federál na pamahalaan?

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Philippine Institute for Development Studies o PIDS batay sa mga naunang panukalang Konstitusyon, gagastos ang pamahalaan ng karagdagang 44 bilyon hanggang 72 bilyong piso bawat taon upang suwelduhan ang mga bagong opisyal. Lumalabas nga sa draft Constitution ng Con-Com na sa Senado lamang, magiging 32 na ang magiging senador, samantalang hindi lalampas sa 400 ang magiging miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa sangay ng hudikatura, hindi na lamang iisa kundi magiging apat ang federal courts na may 9 hanggang 15 mahistrado bawat isa. Paglilinaw pa ng pag-aaral ng PIDS, hindi pa kasama sa halagang kanilang tinantiya ang gagastusin para sa pagpapatakbo ng mga bagong departamento sa mga rehiyon; tandaan natin, mga Kapanalig, na sa federalismo, ang bawat federated region ay magkakaroon ng kani-kaniyang mga kagawaran gaya ng DepEd, DOH, at DSWD.

Hindi biro ang halagang kakailanganin para sa isang pagbabagong ayon sa ilan ay hindi naman napapanahon. Tiyak na sa buwis ng mga mamamayan kukunin ang gagastusin para sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan, ngunit ngayong hindi pa nga tayo nagiging federál, sobra na ang paghihigpit ng sinturon ng mga Pilipino para lamang matustusan ang mga hindi pa rin naisisimulang infrastructure projects ng administrasyon. Paano pa kaya kapag tatawid na tayo sa isang federál na pamahalaan? May matitira pa kaya sa bulsa nina Juan at Juana?

Salamin ang agresibong pagsusulong ng federalismo ng kung paano ilatag ng administrasyong Duterte ang mga prayoridad nito. Handa itong gumastos ng bilyun-bilyon para sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan, ngunit handa rin kaya itong gumastos para sa mga kababayan nating nasa laylayan ng lipunan?

Tingnan na lamang natin ang kalagayan ng mga kababayan natin bilangguan. Kamakailan, napabalita ang pagkamatay ng isang bilanggo sa Manila City Jail dahil sa umano’y flesh-eating bacteria. Dahil naman sa pagtaas ng bilang ng mga ikinukulong bunsod na rin ng giyera kontra droga ng pamahalaan, siksikan na ang mga bilangguan at marami nang naitalang namatay sa sakit sa puso at sa baga. Ayon sa Commission on Audit, lampas nang mahigit 600% ang kapasidad ng maraming kulungan sa bansa—hanggang 20,000 lamang ang kapasidad ng mga bilangguan natin ngunit noong 2017, umabot na ito nang halos 150,000. Bagsak ito batay sa United Nations Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoners at sa mismong panuntunan ng Bureau of Jail Management and Penology. Hindi makatao ang kalagayan ng ating mga kapatid sa bilangguan—hindi ba’t sila ang mas nangangailangan ng malaking pondo ng pamahalaan dahil, sa kabila ng kanilang nagawang kasalanan, mga tao silang may dignidad?

Mga Kapanalig, binibigyang-diin sa mga panlipunang katuruan ng Simbahan ang tinatawag nating “moral function” ng isang pamahalaan, at ito ay ang pangalagaan ang karapatang pantao ng mga mamamayan at ang pagtatatag ng katarungan sa lipunan. Ngunit umuusbong ang obligasyong ito sa ating mga mamamayan dahil tayo ang pumipili ng mga magpapatakbo ng ating pamahalaan. Kaya’t kung pinabababayaan ng pamahalaan ang mga mamamayang nasa kalunos-lunos na kalagayan gaya ng mga bilanggo, samantalang handa itong magbuhos ng pondo sa federalismo, ano ang sinasabi nito sa atin bilang isang bayan? Marahil, nakatanaw tayo sa malayo samantalang nasa harapan na natin mismo ang mga nangangailangan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 4,429 total views

 4,429 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 20,415 total views

 20,415 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 28,460 total views

 28,460 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 33,540 total views

 33,540 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 39,246 total views

 39,246 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 4,430 total views

 4,430 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 20,416 total views

 20,416 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 28,461 total views

 28,461 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 33,541 total views

 33,541 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 39,247 total views

 39,247 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,387 total views

 44,387 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,312 total views

 41,312 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,626 total views

 55,626 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,316 total views

 59,316 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,919 total views

 57,919 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,906 total views

 67,906 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,874 total views

 71,874 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,761 total views

 82,761 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,200 total views

 95,200 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,958 total views

 105,958 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top