Charter Change, Hindi tugon sa mga problema ng Bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 723 total reads

Nakikiisa ang grupo ng mga manggagawa sa maraming Filipinong tutol sa panukalang pagpapalit ng Konstitusyon sa Bansa.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Spokesperson Rene Magtubo, bagamat hindi perpekto ang 1987 Constitution, maraming magagandang Probisyon ang napapaloob dito na hindi naipatutupad ng Pamahalaan.

“Kami naniniwala na ang 1987 konstitusyon bagamat hindi perpekto ay maraming magagandang provisions diyan na hindi pa na-implement.” pahayag ni Magtubo sa Radio Veritas.

Sinabi ni Magtubo na nangunguna dito ang paglabag ng maraming Pulitiko sa Bansa sa Anti-Dynasty kung saan halos iisang pamilya ang nakaupo sa iba’t ibang Posisyon sa Pamahalaan.

Dagdag pa ni Magtubo, naisasantabi rin ng pamahalaan ang karapatan ng mga manggagawa sa tamang pasahod, Security of Tenure, Reporma sa lupa at maging ang pag-aari ng mga Filipino sa mga Negosyo sa Bansa.

Iginiit din nitong hindi masosolusyunan ng pagpapalit ng Konstitusyon ang mga umiiral na suliranin sa lipunan tulad ng Mababang Pasahod sa mga manggagawa, Kontraktuwalisasyon at Kawalan ng Oportunidad na makahanap ng trabaho.

“Kaya kami hindi kami solve doon (Federalismo) at nakikiisa kami sa more than 67% ng ating populasyon na tumututol sa sa Federalism, sa halip ay nagmumungkahi kami sa kasalukuyang Administrasyon na tugunan ang pangkabuhayang problema ng mamamayan.” dagdag pa ni Magtubo.

Naunang nagbabala ang ilang mambabatas sa mga nagsusulong ng Federalismo na huwag itong madaliin dahil kailangan ito ng masusing pag-aaral at pagsusuri dahil maaring ito ay makakaapekto hanggang sa susunod na Henerasyon.

Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 67% ng mga Filipino ang tutol na mapalitan ang kasalukuyang Unitary Form of Government sa Pilipinas tungo sa Federalismong sistema ng Pamamahala.

Samantala, nanawagan naman si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na bilang isang mabuting mamamayang Kristyano ay dapat na makisangkot at makibahagi ang bawat isa sa mga usaping Panlipunan tulad na lamang ng pagpapalit ng Konstitusyon bilang bahagi ng tungkulin sa isang Malaya at Demokratikong Bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 2,420 total reads

 2,420 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 40,725 total reads

 40,725 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 266,996 total reads

 266,996 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 160,461 total reads

 160,461 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 254,348 total reads

 254,348 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top