VeritasPH

The Word, The Truth

Ang grasya ng kasal

SHARE THE TRUTH

 468 total views

Mga Kapanalig, nagbabadya na ang agarang pagpapasa ng batas na gagawing legal ang diborsyo sa Pilipinas. Noong nakaraang linggo, nakapasa na sa second reading sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang diborsyo.

Halos kasabay nito ang paglabas kamakailan ng resulta ng survey na isinagawa noong 2017 ng Social Weather Stations o SWS, kung saan kalahati o 53% ng mga tinanong ay sumasang-ayong gawin nang legal ang diborsyo para sa mga tinatawag na “irreconcilably separated couples” o mga mag-asawang hiwalay na at hindi na kailanman mapagkakasundo pa. Tutol naman ang 32%, habang 15% ang nagsabing hindi sila makapagpasya pa tungkol sa isyu. Mas marami ngayon ang pabor sa diborsyo at mas kaunti na ang hindi sang-ayon kung ihahambing ang resulta ng pinakahuling survey ng SWS sa kinalabasan ng katulad na survey nito noong 2005. Kapuna-puna ring bahagyang malakas ang suporta ng mga Katoliko para sa diborsyo. Saan kaya nanggagaling ang paglakas ng suportang ito? Sa isang bansang 80% ang Katoliko, bakit kaya lumalaki ang bilang ng mga kababayan nating nais gawing legal ang diborsyo? Tanong itong dapat pagnilayan ng ating Simbahan.

Kapansin-pansin ding kumpara noong 2005, mas marami ngayon sa mga nasa class D at class E (o mga hindi masyadong mariwasa ang pamumuhay) ang nagsabing sang-ayon sila sa diborsyo upang palayin na mula sa isa’t isa ang mga mag-asawang hindi na mapagsasama pa. Kabaligtaran naman ito sa kaso ng mga nasa classes A, B, at C, kung saan bahagyang bumaba ang suporta sa diborsyo noong 2017. Maganda ring alamin kung bakit mas marami ngayon sa mga mahihirap nating kababayan ang bukás na gawing legal ang paghihiwalay ng mga mag-asawang sa kanilang pananaw ay wala nang pag-asang magbalikan pa. Maaari pa itong umakyat kung malalaman nilang sa panukalang batas, exempted sa pagbabayad ng filing fees ang mga “indigent” o mahihirap, at saklaw nito ang mga mag-asawang may ari-ariang nagkakahalaga ng hindi lalampas sa 5 milyong piso—mukhang ikagagalak din ito ng mga maykayang mag-asawa na nais kumawala sa isang pagsasamang hindi na mahihilom pa.

Masasabi nating ang lumalaking suporta para sa diborsyo ay maaaring salamin ng nagbabagong pagpapahalaga nating mga Pilipino sa kasal. Batay nga sa datos ng Philippine Statuistics Authority, sa nakalipas na isang dekada, mas nababawasan ang bilang ng mga babae at lalaking nagpapakasal. Kumpara sa bilang ng mga ikinasal noong 2005, bumaba nang 20 porsyento ang bilang ng mga nagpakasal noong 2015.

Ngunit hindi dapat maging dahilan ang mga ito upang hindi na pahalagahan ang grasya ng kasal sa pamamagitan ng isang patakarang maaaring maging daan upang mapababaw ang kahulugan ng pag-iisang dibdib. Ayon kay CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, dapat tayong maging mapagbantay sa pinsalang maaaring dalhin ng pagsasabatas ng diborsyo. Halimbawa, ano ang garantiya sa batas na ang mga mag-asawang may katiting pang pagkakataon upang maiayos ang kanilang pagsasama ay mabibigyan pa ng pag-asang magbalikan at maging buo ang kanilang pamilya? Sa ganitong mga kaso, tungkulin ng pamahalaan, gayundin ng Simbahan, na samahan ang mga mag-asawang dumaraan sa pagsubok. Sa pag-iisang dibdib ng dalawang nangakong magsasama sa habambuhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, hindi sila makakaasa sa kanilang lakas at pagsusumikap lamang; ito’y pagmamahalang ang Panginoon ang may-akda, pagmamahalang Kanyang pinupupos ng biyaya at binibigyan ng layunin.

Mga Kapanalig, ngayon po ay ang kapistahan ni San Jose, ang kabiyak ni Maria. Makita nawa natin sa kanya ang halimbawa ng isang taong handang tanggapin ang kanyang minamahal anuman ang pinagdaraanan nito. Sa pagkapit ni San Jose sa Panginoon, ang inakala niyang pagsubok sa pagsasama nila ni Maria ay biyaya palang tutubos sa lahat. At ito ang natatanging grasya ng pag-ibig na nakatuon sa Diyos.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 6,891 total views

 6,891 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 14,427 total views

 14,427 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 30,413 total views

 30,413 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 38,458 total views

 38,458 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 43,538 total views

 43,538 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 6,892 total views

 6,892 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 14,428 total views

 14,428 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 30,414 total views

 30,414 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 38,459 total views

 38,459 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 43,539 total views

 43,539 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,423 total views

 43,423 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,209 total views

 45,209 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,134 total views

 42,134 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,448 total views

 56,448 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,138 total views

 60,138 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,741 total views

 58,741 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,728 total views

 68,728 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,696 total views

 72,696 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,583 total views

 83,583 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 96,022 total views

 96,022 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top