Drug trafficking at corruption, naging institutionalized na sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 685 total reads

Tila naging institutionalized ang drug trafficking at corruption sa pagpapawalang sala ng Department of Justice sa self confessed drug lord na si Kerwin Espinosa,,Peter Lim at paglalagay sa ‘Witness Protection Program’ kay ‘pork barrel queen’ Janet Lim Napoles.

Ayon kay Fr. Nonong Fajardo, convenor ng Huwag Kang Magnakaw Movement (HKM) at head ng Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila, inililigaw ng administrasyon ang pagkakaugnay ni presidential son Paolo Duterte sa pag-abswelto sa kaso ni Espinosa sa kabila ng pag-amin nito bilang ‘supplier’ ng droga.

Nanawagan din ang pari kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na magbitiw na bilang kalihim ng Department of Justice habang hinamon din ang mga mambabatas na gumawa ng hakbang para ipagtanggol ang interes ng bayan.

“Sa mga senadores at congressmen, si Kerwin ang simbolo ng institutionalized drug smuggling at si Janet naman ang institutionalized corruption, nasaan po kayo ngayon para magtanggol sa bayan. At si Gen. Bato (PNP Chief Ronaldo Dela Rosa) mukha pong tagapagkalinga kayo ng drug lord and corruption ito ang nakakalungkot na bahagi ng nangyayari sa bayan ngayon,” ayon kay Fr. Fajardo.

Kinuwestiyon ni Fr. Fajardo, ang hakbang ng DOJ na gawing ‘state witness’ si Napoles gayung isa siya sa ‘utak’ ng P10 B pork barrel scam.

Giit pa ng pari isa ang isyu ng pork barrel sa dahilan sa pagbuo noon ng Huwag Kang Magnakaw Movement bilang paghahanda sa 2016 national election.

Buwan ng Agosto 2013 nang ilunsad ang ‘A Million March’ sa Luneta Grandstand na ang pangunahing panawagan ay tanggalin na sa sistema ng pamahalaan ang ‘pork barrel’ o ‘Priority Development Assistance Fund’ system na nagiging ugat ng katiwalian.

Bukod kay Napoles, kabilang din sa kinasuhan ng ‘plunder’ kaugnay sa pork barrael scam ang may 38 mambabatas at opisyal ng pamahalaan kabilang na ang noo’y sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

Sa tatlong senador tanging si Revilla na lamang ang nanatiling nasa piitan makaraang payagang makapagpiyansa si Estrada habang pinalaya naman ang noo’y 91 taong gulang na si Enrile dahil sa ‘humanitarian reason’.

Sa inilabas na pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ng noo’y pangulo na si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas hinimok nito ang administrasyon Aquino na panagutin ang lahat ng may kinalaman sa pdaf scam at pagsuporta sa ‘peoples initiave’ at ideklarang unconstitutional ang PDAF at Disbursement Acceleration Project (DAP) para sa mga mambabatas.

November 2013 – sa botong 14-0 ideklarang ‘unconstitutional’ ng Supreme Court ang PDAF.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 54,468 total reads

 54,468 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 178,633 total reads

 178,633 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 264,001 total reads

 264,001 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 310,742 total reads

 310,742 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 358,608 total reads

 358,608 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 453,895 total reads

 453,895 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 54,470 total reads

 54,470 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top