VeritasPH

The Word, The Truth

 886 total views

Homiliya para sa pang-anim na Simbang Gabi, Martes ng ika-apat na Linggo ng Adbiyento, Lukas 1:5-25

Malinaw ang dahilan kung bakit sa taóng ito, mga journalists ang ginawaran ng Nobel Peace Prize. Isa kasi sa mga pundasyon ng matatag na demokrasya sa daigdig ay ang malayang pamamahayag. Iyon din ang dahilan kung bakit isa sa mga pinakamapanganib na trabaho ngayon sa mundo ay ang pamamahayág. Sa Ingles, merong expression para doon sa madalas gawin ng ibang mga authoritarian governments na galit sa malayang pamamahayag: “SHOOT THE MESSENGER.” Ang simpleng solusyon nila kapag di na nila masupil ang malayang pamamahayag ay ang iligpit ang mga mamamahayag.

Kasalukuyang nangyayari ito sa maraming mga bansa na kontrolado ng mga diktador, o mga gubyernong hindi lehitimo ang awtoridad, iyong tipon idinaan sa kudeta o dinayang eleksyon, o batas militar tulad ng nangyayari ngayong kasalukuyan sa Myanmar. Nangyayari din ito sa mga bansang demokratiko kung saan ang mga lider gubyerno ay may pagkiling sa authoritarian rule at walang paggalang sa batas.

Ganoon ang nangyari sa ating bansa noong 1972. Dahil papatapos na ang second term ng presidente noon, ayaw na niyang magbitiw sa pwesto. Ipinailalim ang buong bansa sa martial law para daw madisiplina tayo at masupil kuno ang pagkalat ng komunismo. Inabolish ang Konstitusyon at ipinasara ang Kongreso. Ipinailalim tayo sa dictatorship at gumawa ng sariling Konstitusyon ang diktador para manatili sa puwesto bilang illegitimate president sa loob ng 14 years.

Sapilitang ikinandado noon ang 292 radio stations, 7 sa pinakamalalaking TV stations, at 16 na national daily newspapers, 66 community newspapers at 11 weekly magazines. Biglang nawala ang kalayaan sa pamamahayag. Basta critical sa gubyerno, nirered-tag. Tinatawag na “subersibo o komunista” ang sinumang taong magsabi ng totoo tungkol sa tunay na ginagawa ng gubyerno. Inaaresto na walang warrant, ikinukulong na walang due process. Ang iba ipinadadampot at “sinasalvage”. Iyon ang dating bokabularyo para sa EJK. Ang iba, kahit bangkay hindi na nakita. Walang “human rights human rights noon.” Kamay na bakal.

Sa araw na ito ang focus ng reflection natin ay ang papel na ginampanan ng arkanghel na si Gabriel, bilang Messenger or Tagapahayag ng kalooban ng Diyos.

Hindi lang sa New Testament nababasa ang papel na ito ni Gabriel. Naroon din siya sa Old Testament, sa Book of Daniel. Ang trabaho niya ay hindi lang magpahayag. Kasama na rin ang pagpapaliwanag at pagpapaunawa sa ipinahahayag na balita. Hindi pa lubos ang gawain niya hangga’t hindi pa kusang-loob na tinatanggap ng binabalitaan ang katotohanang hatid niya.

Sa chapter 8 ng aklat ni Daniel, nakakita daw ng isang vision o pangitain si Daniel at humiling siya na ipaunawa sa kanya ang kahulugan ng ipinakita sa kanya. Sino ang magpapaliwanag? Si Gabriel.

Sa Chapter 9 naman, nagbabasa ng Banal na Kasulatan ang propeta mula sa Aklat ni Jeremias. Pilit niyang inuunawa ang salita ng propeta tungkol sa 70 taon na pagkakabihag ng Israel. Ang magbibigay paliwanag ay walang iba kundi si Gabriel din.

Sa chapter 10 humiling pa daw ng tulong si anghel Gabriel kay Saint Michael sa gitna ng matinding labanan sa pagitan ng mabuti at masama.

Madali-dali ang gawain kapag ang kausap ng anghel ay katulad ni Mama Mary. Ito ang reading natin kahapon. Kapag attentive at bukas ang puso ng binabalitaan tungkol sa kalooban ng Diyos. Kaya sa huling linya ng ebanghelyo kahapon, sabi ni San Lukas, “At iniwan siya ng anghel.” Ibig sabihin, “mission accomplished.”

Pero dito sa kaso ni Zacarias, medyo nahirapan itong ating messenger. Ang reaksyon ni Zacarias ay pagkabigla, pagkatakot, pag-aalinlangan o pagdududa. Nasa loob siya ng templo, nagseserbisyo, pero wala doon ang puso niya. Kaya hindi pa “mission accomplished.”

Kung minsan, imbes na ang tagapagbalita ang tatahimik, ang kailangang manahimik ay ang binabalitaan. Mahirap tumanggap ng mabuting balita ang tao kapag gulong-gulo ang isip niya. Kinailangan pa niyang maghintay ng takdang panahon upang makitang hindi nagbibiro o nagsisinungaling sa kanya ang Messenger.

May mga tao kasi na kapag naloko na silang minsan parang wala nang gustong paniwalaan. Iniisip nila lahat manloloko, hindi maaasahan ang mga pangako. Kaya sumusugal na lang sila dahil sa kalituhan. Bahala na, doon na sila sa mas matunog sa survey o mas popular sa social media. Doon na sila sa may instant solusyon sa mga problema o may pinangangakong ginto.

Ito ang panahon na kailangang bitawan muna ang cell phone, tumahimik muna, huwag magpadalos-dalos sa desisyon, lalo na’t kinabukasan ng bansa ang nakasalalay. Ito ang panahon na kailangang gamitin natin ang talino, dagdagan ang pakikinig sa mga mapagkakatiwalaan, mag-isip na mabuti, makilatis ang mga hangarin at umasa sa mga totoong mamamahayag, hindi sa mga bayarang trolls, hindi sa mga experto sa pagpapakalat ng pekeng balita.

Ang magiging trabaho ng bata sa sinapupunan ni Elisabeth ay ang trabahong Messenger din. Walang ipinagkaiba sa gawain ni Gabriel na tagapamahayag ng katotohanan. Pahayag na hindi rin ikatutuwa ng mga kinauukulan na nasa kapangyarihan. Kaya pareho din ang naging solusyon ni Herodes Antipas nang di niya masupil ang message ni Juan Bautista: “Shoot the Messenger.” Kaya pinugutan siya ng ulo, para mapatahimik siya.

Kaya napraning na si Herodes nang akala niya ang propetang pinugutan niya ng ulo ay nabuhay na mag-uli kay Hesus ng Nazareth. Ang mensaheng pilit na pinatatahimik ng mga Herodes at Pilato sa pamamagitan ng pagpaslang sa mga Tagapamahayag ng katotohanan ay lalong lumalakas at umaalingawngaw, kahit hindi gumamit ng nakaw na pondo para umupa ng libo-libong trolls na magkakalat ng pekeng balita.

Katotohanan ang magpapalaya sa inyo, wika ng Panginoon sa kanyang mga alagad. Katotohanan ang nagpalaya sa naumid na dila ni Zacarias sa bandang huli. Katotohanan din ang magliligtas sa ating bayan ngayon mula sa pagkapariwara.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 5,947 total views

 5,947 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 21,933 total views

 21,933 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 29,978 total views

 29,978 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 35,058 total views

 35,058 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 40,764 total views

 40,764 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,698 total views

 2,698 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,114 total views

 7,114 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,440 total views

 2,440 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,963 total views

 2,963 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,462 total views

 4,462 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,306 total views

 5,306 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,561 total views

 3,561 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,774 total views

 7,774 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,007 total views

 7,007 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,219 total views

 11,219 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,667 total views

 4,667 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,671 total views

 4,671 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,671 total views

 4,671 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,663 total views

 4,663 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,663 total views

 4,663 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top