Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 411 total views

Homiliya Para sa Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon, ika-10 ng Abril, 2022, Lk 22:14—23:56

Kung may kakaiba tungkol sa ulat ni San Lukas tungkol sa Pasyon at Kamatayan ni Hesus ito’y ang papel ni Satanas sa buong kuwento. Kaya ang naisip kong title para sa homiliyang ito ay ANG MULING PAGTUTUOS.

Kailangang balikan ang salaysay ni San Lukas tungkol sa ginawang panunukso ni Satanas noong namalagi si Hesus sa disyerto sa loob ng 40 araw. Dahil hindi nagtagumpay ang diyablo sa tatlong hirit ng panunukso na ginawa niya kay Hesus, sa dulo ng kuwento, sinasabi ni San Lukas, “Iniwan siya ni Satanas pero naghintay daw ito ng bagong pagkakataon.”

At ang huling mga araw ni Hesus sa Jerusalem ang naging pagkakataon na pinakahinta-hintay niya, ang tinatawag kong “muling pagtutuos”. Kumbaga sa isang puppet show, maraming mga karakter ang minanipula na parang mga puppet si Satanas para magtagumpay siya. Una, si Hudas, Iskariote. Sinasabi ni San Lukas, pumasok daw sa kanya si Satanas upang magtaksil kay Hesus sa halagang 30 pirasong pilak.

Ang pangalawa ay ang mga taong nanonood sa paglilitis kay Hesus. Madalas nating marinig ang kasabihang VOX POPULI, VOX DEI. Ang tinig daw ng taumbayan ay tinig ng Diyos. Totoo ba iyon? Oo, pero hindi lagi. Sa kuwento ng paglilitis kay Hesus, ang tinig ng taumbayan ay tinig ni Satanas. Ibig sabihin pumasok din siya sa mga tao at ginamit silang parang mga trolls.

Pinagboto pa raw ni Pilato ang mga tao. Tinanong niya sila kung sino ba sa dalawang kandidato ang pipiliin nila na palayain—si Hesus o si Barabas na isang tulisan. (Ang kahulugan ng Aramaicong pangalan na Bar’abbas ay “Anak ng Tatay”). Ang pinili ng marami ay si Barabas. Desisyon daw ng taumbayan. Tinig ba iyon ng Diyos? Hindi. Pinagkaisahan daw siya. Tulad ng nasabi ko minsan sa isang homily, hindi naman lahat ng pagkakaisa ay mabuti. Puwede ring magkaisa ang tao sa masama.

Nagtagumpay kasi ang mga trolls sa pagpapalaganap ng mga kasinungalingan laban kay Hesus. Napaniwala naman ang marami kaya mas malakas ang sigaw ng mga pumapanig kay Barabas. Ngunit hindi totoong kanila ang tinig na iyon kundi sa kampon ng kadiliman. Parang hanggang ngayon ganyan pa rin ang drama ng kaligtasan. Mahusay magmaniobra ang diyablo para maipanalo ang kandidato niyang kawatan.

Noong nakaraang Solidarity Mass for the Moral Choice na ginanap sa Baclaran, nasabi ko doon na madalas i-quote yung sinabi diumano ni Hesus sa Juan 8:32, “Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Nakakalimutan nilang basahin ang mga naunang linya: “KUNG PANININDIGÁN NINYO ang mga turo ko, kayo ay magiging mga alagad ko. Makikilala ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Palalayain ba talaga tayo ng katotohanan? Depende. Meron siyang KUNG—kung mapaninindigan natin ang mga turo niya.

Alam din naman ni Pilato ang katotohanan. Nag-imbestiga pa nga siya at nalaman niyang hindi totoo ang mga akusasyon laban sa kay Hesus. Pero pinanindigan ba niya ang totoo? Hindi. Sa halip, naghugas-kamay siya. Pinili niyang maging neutral dahil sa takot na baka mawalan siya ng kapangyarihan. Ibig sabihin pinasok rin siya ni Satanas.

Ang huling hirit ni Satanas ay noong nakapako na si Hesus sa krus. Mga pinuno naman ng bayan ang sinaniban niya. Ganito raw ang isinigaw nila kay Hesus habang nakapako siya sa krus, “Iniligtas niya ang ibang tao, ILIGTAS NAMAN NIYA NGAYON ANG SARILI NIYA kung siya nga ang Kristo, ang hinirang ng Diyos.” Tatlong beses uulit ang mensaheng ito. Parang pag-uulit ng tatlong tukso sa disyerto. Ang pangalawa ay lalabas naman sa bibig ng mga sundalong pinasok din ng diyablo. “Kung hari ka nga ng mga Hudyo, ILIGTAS MO ANG SARILI MO.” At ang pangatlo ay bibigkasin naman ng isa sa dalawang kriminal na kasama ni Hesus na ipinako sa kalbaryo. Sabi niya, “Hindi ba’t ikaw ang Kristo, ILIGTAS MO ANG SARILI MO at iligtas mo kami.” Tinig din iyon ni Satanas.

Pero nabigo ang dimonyo sa pangalawang kriminal. Ang lumabas sa bibig nito ay pagpapakumbaba at pag-amin sa kanyang kasalanan. Imbes na si Satanas, siya ang nakahirit pa rin na magligtas sa huling sandali. At ang pinakamasaklap na failure ni Satanas ay hanggang sa huling sandali, hindi iniligtas ni Hesus ang sarili. Sa halip, inialay niya ang sarili bilang PANTUBOS sa mga nais angkinin ni Satanas.

Noon ko pa ipinagtataka kung bakit MAHAL NA ARAW ang translation natin ng Holy Week o Semana Santa, imbes na Banal na Linggo. Paalala siguro ito sa atin na NAPAKAMAHAL ng ipinantubos ng Anak ng Diyos sa atin. Hindi dugo ng hayop, hindi alay, hindi sakripisyo. Ang pantubos niya, buhay niya. Ang nag-aalay at ang handog na iniaaalay ay naging iisa kay Kristo.

Mas sanay tayo sa mga bidang nananatiling ligtas habang sila’y nagliligtas. Ibang klaseng tagapagligtas si Hesus. Hindi niya ililigtas ang sarili hanggang sa huling sandali. Dahil mahal niya ang tinutubos niya, mahal din ang pantubos niya—sarili niya. Akala ni Satanas, ang pagkamatay ng Anak ng Diyos ay hudyat ng pagkatalo. Nagkamali siya. Hudyat pala ito ng tagumpay ng Diyos. Kumbaga sa larong chess, CHECKMATE ang diyablo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 16,435 total views

 16,435 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 29,871 total views

 29,871 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 46,555 total views

 46,555 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 57,161 total views

 57,161 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE SPIRIT AND US: Partners in Mission

 2,091 total views

 2,091 total views Homily for the 6th Sunday of Easter, 25 May 2025 Readings: Acts 15:1–2, 22–29; Revelation 21:10–14, 22–23; John 14:23–29 Thank you all for

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

TEARS

 12,130 total views

 12,130 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSALUBONG

 14,488 total views

 14,488 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 26,462 total views

 26,462 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top