Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 239 total views

Palm Sunday Lk 19:28-40

Is 50:4-7 Phil 2:6-11 Lk 23:1-49

Ngayong Sunday ay simula na ng Semana Santa, ng Holy Week. Ang Linggong ito ay tinatawag na Linggo ng Palapas o Palm Sunday at Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon, o Passion Sunday. May dalawang pangalan siya dahil sa dalawang katangian ng pagdiriwang natin ngayong araw. Nagsimula tayo sa pag-alaala ng pagpasok ng Panginoong Jesus nang matagumpay sa lunsod ng Jerusalem. Sinalubong siya ng mga tao nang buong sigla. Winelcome siya ng mga sanga ng palapas na winawagayway ng mga tao. Saya at malaking pananabik ang naghahari sa mga tao noon. Kinikilala nila si Jesus bilang isang hari sa pumapasok sa kanyang lunsod. Kaya ang mga palaspas na dala natin ay tanda ng ating pag-welcome sa Panginoon at pagkilala ng paghahari niya. Iuwi natin sa bahay at ilagay sa may pintuan ng bahay o ng kwarto o sa harap ng ating altar sa bahay. Pagnakita natin ito, alalahanin natin na winewelcome natin si Jesus sa ating bahay at sa ating buhay.

Kadidinig din natin sa pagbasa ang mahabang kasaysayan ng mga huling araw ng Panginoon sa Jerusalem, kung paano siya ipinagkanulo, dinakip, hinatulan, pinasakitan, ipinako sa krus at namatay. Lungkot at awa naman ang naghari sa atin habang pinapakinggan natin ang salaysay na ito. Malaking pagkakaiba ito sa masayang pagtanggap sa kanya ng may palaspas. Sa pagbabasa ng pagpapakasakit ng Panginoong hinahanda tayo sa mangyayari kay Jesus ngayong linggo. Kaya sinisimulan na nating pagnilayan ang kanyang pagpapakasakit at kamatayan. Kaya ngayon ay Passion Sunday.

Sa kanyang ebanghelyo piniprisenta ni Lukas na si Jesus ay determinadong naglalakbay patungo sa Jerusalem. Alam ni Jesus na ang kanyang misyon at ang kanyang buhay ay magkakaroon ng kaganapan doon. Maraming tao ang nasa lunsod ng mga araw na iyon kasi nalalapit na ang dakilang kapistahan ng Paskuwa, ang pag-alaala ng mga Israelita ng kanilang paglaya mula sa pagkaalipin sa Egipto. Dahil sa kanyang pangangaral at mga kababalaghang ginawa, kilala na si Jesus ng mga tao. Kaya noong nakita nila siya na dumadating, tuwang-tuwa sila na tinanggap siya. Kinilala nila siya na isang hari na dumadating sa ngalan ng Panginoong Diyos. At dumating si Jesus na nakasakay sa isang asno. Kakaibang hari ito. Ang asno ay hindi isang hayop na pandigma, hindi tulad ng kabayo. Ito ay hayop na pangkarga at pangtrabaho sa bukid. Ang haring ito ay dumadating hindi sa kadakilaan kundi sa kababaan. Iba ang kanyang paghahari. Sa panahon na siya ay binibigyang pugay ng mga tao, nanatili si Jesus na mababang loob.

Hindi pinagmalaki ni Jesus ang pagkilala sa kanya kasi kilala niya tayong mga tao. Alam niya na madali tayong magbago. Ang ating pagtanggap ay madaling maging pagtalikod o pagwalang kibo. Hindi siya nagkamali. Ilang araw lang ang dumaan at ang sigaw sa Jerusalem na “Hosanna sa Kaitaasan!” ay napalitan ng “Ipako siya sa Krus!” Sa maraming taong tumanggap sa kanya, ni wala mang nagtanggol sa kanya noong siya ay inaakusahan at hinahatulan. Sana hindi ito mangyari sa atin, na madali tayong tumalikod o makalimot sa Panginoon, na tayo ay nagpapadala lang sa public opinion o kung anong uso na ginagawa ng iba. Maging tulad sana tayo ni Mariang Ina ni Jesus na patuloy na nanindigan sa tabi ni Jesus kahit na sa ilalim ng krus.

Sa pagbasa natin ng kanyang pagpapakasakit, may ilang mga bagay din na nakakatawag ng pansin natin na kakaiba talaga si Jesus, hindi lang sa panahon ng tagumpay, pati na rin sa panahon ng kahirapan.

Habang siya ay hinahatulan, at lantarang kasinungalingan ang inaakusa sa kanya, siya ay tahimik. Hindi siya kumibo at hindi niya ipinagtanggol ang sarili, ni sa harap ni Caifas at ni Annas na leaders ng mga Hudyo, ni sa harap ni Haring Herodes na hari ng mga Hudyo, ni sa harap ni Pontio Pilato na gobernador ng mga Romano. Hindi niya ipinagtanggol ang kanyang sarili, kahit na sa mga kawal ng mga Hudyo at mga Romano na masakit na pinaglalaruan siya. Hindi siya namatay na may galit. Namatay siya na may tiwala sa Diyos kaya ang kanyang huling salita ay: “Ama, sa mga kamay mo ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu.” Tulad siya ng isang maamong tupa hanggang sa wakas at tinupad niya ang sinulat ni propeta Isaias na ating narinig sa unang pagbasa: “Hindi ako tumutol nang bugbugin nila ako, hindi ako kumibo ng ako’y kanilang insultuhin…ang pagdusta nila ay hindi ko pinapansin pagkat ang Makapangyarihang Panginoon ang tumutulong sa akin.”

Hindi siya kumibo sa mga insulto at pasakit sa kanya pero kumibo siya nang may habag sa mga tao. Ang reaction niya ay patawad at ipinagdasal pa niya ang gumagawa ng masama sa kanya: “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” Hindi niya pinansin ang insulto ng salarin na kumutya sa kanya pero pinangakuan niya ng langit ang salarin na kumilala sa kanya: “Sinasabi ko sa iyo, ngayon di’y isasama kita sa paraiso.” Pinansin niya ang mga babae na tumatangis sa kanya at sinabi sa kanila na ang mas tangisan nila ay hindi siya kundi ang darating na parusa sa mga tao.

Kakaiba si Jesus, kahit na sa kanyang kamatayan. Tularan natin siya. Piliin natin kung kanino tayo mag-re-react. Kahit na sa kahirapan huwag tayong maging self-centered, na ang pinapansin ay ang sarili. Mas pansinin natin ang iba at ang kanilang pangangailangan. Piliin natin na ang mananatili sa puso natin ay hindi ang galit o paghihiganti kundi ang awa sa iba at ang tiwala sa Diyos.

Maganda na sa linggong ito, huwag tayong magpabaya. Huwag tayong magpalipas lang ng panahon. Ang sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad sa jarden ng Gethsemani ay sinasabi niya sa atin: “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso.” Ang Semana Santa ay panahon ng panalangin. Manatili tayong gising at listo para magdasal. Maraming mga paraan ng panalangin ang inaalok sa atin ng simbahan. Nandiyan ang pagbabasa ng pasyon. Ito ay pagninilay sa kasaysayan ng ating kaligtasan sa pamamagitan ng awit. Makisabay tayo dito sa mga chapels natin na may diwa ng pagdarasal. Nandiyan din ang sariling pagbabasa ng Bible. Nandiyan din ang pakikisa sa mga pagdiriwang sa simbahan sa Huwebes Santo – sa Pagdiriwang ng Huling Hapunan ni Jesus, sa Biernes Santo – sa pagdiriwang ng Pagpaparangal sa Krus at ng kamatayan ni Jesus, at lalo’t higit sa Sabado de Gloria, ang magandang pagdiriwang ng magdamagang pag-aantay sa Muling Pagkabuhay at ang Pagkabuhay mismo ni Jesus.

Nandiyan din ang pakikiisa sa Daan ng Krus sa Biyernes, ang pagpuprusisyon ng Santo Entierro at ng mga santo, at ang masayang pakikiisa sa Salubong na walang iba kundi ang pag-alala sa pagtatagpo ni Jesus na muling nabuhay at ng kanyang nagdurusang Ina. Ang mga gawaing ito ay dapat tumulong sa atin sa ating pagdarasal at sa ating pagpapahalaga sa gawain ng kaligtasan na dinaanan ni Jesus para sa atin.

Ang bunga sana ng ganitong mga gawain ay ang ating pagpapahalaga sa ating kaligtasan at ang pag-alab ng ating pag-ibig sa Diyos na ganoon na lang magmahal sa atin – nagpakasakit siya, namatay at muling nabuhay para sa atin. Inaalok tayo na makisalo sa bagong buhay na ito na bigay niya sa atin – buhay ng malaking tiwala sa Diyos at ng pagmamahal sa ating kapwa. Panibaguhin nawa tayo ng ating pagdiriwang.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 2,117 total views

 2,117 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 8,090 total views

 8,090 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 13,845 total views

 13,845 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 21,108 total views

 21,108 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 29,093 total views

 29,093 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,177 total views

 2,177 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,304 total views

 8,304 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,433 total views

 6,433 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,716 total views

 8,716 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,622 total views

 11,622 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,561 total views

 12,561 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,555 total views

 12,555 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,273 total views

 16,273 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,119 total views

 18,119 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,116 total views

 18,116 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,625 total views

 22,625 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 27,941 total views

 27,941 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,099 total views

 30,099 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,257 total views

 32,257 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 32,602 total views

 32,602 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top