Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 324 total views

Homiliya Para sa Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon, ika-10 ng Abril, 2022, Lk 22:14—23:56

Kung may kakaiba tungkol sa ulat ni San Lukas tungkol sa Pasyon at Kamatayan ni Hesus ito’y ang papel ni Satanas sa buong kuwento. Kaya ang naisip kong title para sa homiliyang ito ay ANG MULING PAGTUTUOS.

Kailangang balikan ang salaysay ni San Lukas tungkol sa ginawang panunukso ni Satanas noong namalagi si Hesus sa disyerto sa loob ng 40 araw. Dahil hindi nagtagumpay ang diyablo sa tatlong hirit ng panunukso na ginawa niya kay Hesus, sa dulo ng kuwento, sinasabi ni San Lukas, “Iniwan siya ni Satanas pero naghintay daw ito ng bagong pagkakataon.”

At ang huling mga araw ni Hesus sa Jerusalem ang naging pagkakataon na pinakahinta-hintay niya, ang tinatawag kong “muling pagtutuos”. Kumbaga sa isang puppet show, maraming mga karakter ang minanipula na parang mga puppet si Satanas para magtagumpay siya. Una, si Hudas, Iskariote. Sinasabi ni San Lukas, pumasok daw sa kanya si Satanas upang magtaksil kay Hesus sa halagang 30 pirasong pilak.

Ang pangalawa ay ang mga taong nanonood sa paglilitis kay Hesus. Madalas nating marinig ang kasabihang VOX POPULI, VOX DEI. Ang tinig daw ng taumbayan ay tinig ng Diyos. Totoo ba iyon? Oo, pero hindi lagi. Sa kuwento ng paglilitis kay Hesus, ang tinig ng taumbayan ay tinig ni Satanas. Ibig sabihin pumasok din siya sa mga tao at ginamit silang parang mga trolls.

Pinagboto pa raw ni Pilato ang mga tao. Tinanong niya sila kung sino ba sa dalawang kandidato ang pipiliin nila na palayain—si Hesus o si Barabas na isang tulisan. (Ang kahulugan ng Aramaicong pangalan na Bar’abbas ay “Anak ng Tatay”). Ang pinili ng marami ay si Barabas. Desisyon daw ng taumbayan. Tinig ba iyon ng Diyos? Hindi. Pinagkaisahan daw siya. Tulad ng nasabi ko minsan sa isang homily, hindi naman lahat ng pagkakaisa ay mabuti. Puwede ring magkaisa ang tao sa masama.

Nagtagumpay kasi ang mga trolls sa pagpapalaganap ng mga kasinungalingan laban kay Hesus. Napaniwala naman ang marami kaya mas malakas ang sigaw ng mga pumapanig kay Barabas. Ngunit hindi totoong kanila ang tinig na iyon kundi sa kampon ng kadiliman. Parang hanggang ngayon ganyan pa rin ang drama ng kaligtasan. Mahusay magmaniobra ang diyablo para maipanalo ang kandidato niyang kawatan.

Noong nakaraang Solidarity Mass for the Moral Choice na ginanap sa Baclaran, nasabi ko doon na madalas i-quote yung sinabi diumano ni Hesus sa Juan 8:32, “Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Nakakalimutan nilang basahin ang mga naunang linya: “KUNG PANININDIGÁN NINYO ang mga turo ko, kayo ay magiging mga alagad ko. Makikilala ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Palalayain ba talaga tayo ng katotohanan? Depende. Meron siyang KUNG—kung mapaninindigan natin ang mga turo niya.

Alam din naman ni Pilato ang katotohanan. Nag-imbestiga pa nga siya at nalaman niyang hindi totoo ang mga akusasyon laban sa kay Hesus. Pero pinanindigan ba niya ang totoo? Hindi. Sa halip, naghugas-kamay siya. Pinili niyang maging neutral dahil sa takot na baka mawalan siya ng kapangyarihan. Ibig sabihin pinasok rin siya ni Satanas.

Ang huling hirit ni Satanas ay noong nakapako na si Hesus sa krus. Mga pinuno naman ng bayan ang sinaniban niya. Ganito raw ang isinigaw nila kay Hesus habang nakapako siya sa krus, “Iniligtas niya ang ibang tao, ILIGTAS NAMAN NIYA NGAYON ANG SARILI NIYA kung siya nga ang Kristo, ang hinirang ng Diyos.” Tatlong beses uulit ang mensaheng ito. Parang pag-uulit ng tatlong tukso sa disyerto. Ang pangalawa ay lalabas naman sa bibig ng mga sundalong pinasok din ng diyablo. “Kung hari ka nga ng mga Hudyo, ILIGTAS MO ANG SARILI MO.” At ang pangatlo ay bibigkasin naman ng isa sa dalawang kriminal na kasama ni Hesus na ipinako sa kalbaryo. Sabi niya, “Hindi ba’t ikaw ang Kristo, ILIGTAS MO ANG SARILI MO at iligtas mo kami.” Tinig din iyon ni Satanas.

Pero nabigo ang dimonyo sa pangalawang kriminal. Ang lumabas sa bibig nito ay pagpapakumbaba at pag-amin sa kanyang kasalanan. Imbes na si Satanas, siya ang nakahirit pa rin na magligtas sa huling sandali. At ang pinakamasaklap na failure ni Satanas ay hanggang sa huling sandali, hindi iniligtas ni Hesus ang sarili. Sa halip, inialay niya ang sarili bilang PANTUBOS sa mga nais angkinin ni Satanas.

Noon ko pa ipinagtataka kung bakit MAHAL NA ARAW ang translation natin ng Holy Week o Semana Santa, imbes na Banal na Linggo. Paalala siguro ito sa atin na NAPAKAMAHAL ng ipinantubos ng Anak ng Diyos sa atin. Hindi dugo ng hayop, hindi alay, hindi sakripisyo. Ang pantubos niya, buhay niya. Ang nag-aalay at ang handog na iniaaalay ay naging iisa kay Kristo.

Mas sanay tayo sa mga bidang nananatiling ligtas habang sila’y nagliligtas. Ibang klaseng tagapagligtas si Hesus. Hindi niya ililigtas ang sarili hanggang sa huling sandali. Dahil mahal niya ang tinutubos niya, mahal din ang pantubos niya—sarili niya. Akala ni Satanas, ang pagkamatay ng Anak ng Diyos ay hudyat ng pagkatalo. Nagkamali siya. Hudyat pala ito ng tagumpay ng Diyos. Kumbaga sa larong chess, CHECKMATE ang diyablo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

POGO’s

 5,800 total views

 5,800 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 14,193 total views

 14,193 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 22,210 total views

 22,210 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »

Hindi biro ang krisis sa klima

 28,670 total views

 28,670 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »

Maingat na pananalita

 34,147 total views

 34,147 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 8,926 total views

 8,926 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 11,056 total views

 11,056 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 11,056 total views

 11,056 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 11,057 total views

 11,057 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 11,053 total views

 11,053 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 11,926 total views

 11,926 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 14,127 total views

 14,127 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 14,160 total views

 14,160 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 15,514 total views

 15,514 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 16,610 total views

 16,610 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 20,817 total views

 20,817 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 16,535 total views

 16,535 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 17,905 total views

 17,905 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 18,167 total views

 18,167 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 26,860 total views

 26,860 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top