Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang narco list at ang bigong giyera kontra droga

SHARE THE TRUTH

 163 total views

Mga Kapanalig, sa pulong ng National Peace and Order Council sa Davao City, mismong si Pangulong Duterte ang nagbasa ng mga pangalan ng ilang alkalde, bise-alkalde, provincial board member, at kongresistang kabilang sa bagong narco list o listahan ng mga pulitikong sangkot umano sa iligal na droga. Nanindigan ang pangulong may hawak na ebidensiya ang administrasyon laban sa 46 na pulitikong nasa listahan.

Layunin daw ng narco list na gabayan ang mga botante ngayong halalan. Kailangan daw malaman kung sinu-sino sa mga kumakandidato ang hindi karapat-dapat iboto dahil sa kanilang kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot. Ayon sa administrasyon, nais lamang nitong ilabas ang katotohanang mahalaga ngayong papalapit na ulit ang eleksyon.

Pinahahalagahan ng Simbahang Katolika ang katotohanan, at naglilingkod ito upang hanapin ang katotohanang magpapalaya sa atin. Ngunit ang pagtataguyod natin ng katotohanan ay itinuturing nating gawain ng pagkakawanggawa o charity, dahil layon nitong pagbuklurin ang mga tao tungo sa kabutihan ng lahat o common good. Batay sa ganitong pagtanaw sa katotohanan, paano isinusulong ng isang narco list ang katotohanan gaya ng sinasabi ng administrasyon?

Tatlong puntos ang nais nating bigyang pansin.

Unang punto: hindi isinusulong ng narco list ang katotohanan dahil hindi kailanman dininig sa isang hukuman ang kaso ng mga opisyal ng gobyernong nasa listahan. Ang nagagawa pa lamang ng pamahalaan ay ang maghain ng kasong administratibo sa Office of the Ombudsman laban sa 46 na nasa kasalukuyang listahan. Hindi pa nabibigyan ng tinatawag na due process ang mga inakusahang narco-politicians na dapat ay itinuturing pang inosente hanggang mapatayunan ang kabaligtaran. Kung hindi pa naisaalang-alang at nasusuri ang mga ebidensya, paano mailalantad ang katotohanan?

Ikalawang punto: dahil sa pagsasapubliko ng narco list, magdadalawang-isip na ang mga opisyal ng pamahalaang gumawa ng mga bagay na hindi magugustuhan ng kasalukuyang administrasyon. Ito ang tinatawag na deterrent o chilling effect ng listahan. Tinatakot nito hindi lamang ang mga nasa listahan na, kundi pati ang mga wala sa narco list. Upang hindi mapasama ang pangalan ng isang opisyal sa narco list, pipillin nitong maging kaalyado ng pangulo at hindi na magtatangkang magsalita laban sa mga maling patakaran ng admnistrasyon. Kung ito ang iiral, magkakampihan ang mga awtoridad, magtatakipan sila ng kani-kanilang mga kakulangan, at sama-sama nilang itatago ang katotohanan.

Panghuli: kung mayroon mang bahid ng katotohanan na ibinunyag ng narco list, ito ay ang kabiguan ng administrasyong tugunan ang problema natin sa iligal na droga. Hindi ba naisip ng pangulo at ng kanyang mga katuwang sa PDEA at PNP na ang pag-aakusa sa mga opisyales sa listahan ay lantarang pag-amin ng pagkatalo ng pamahalaan sa kampanya laban sa droga? Hindi lang minsang nangako ang pangulo na susugpuin ang iligal na droga sa bansa sa loob lamang ng anim na buwan. Magtatatlong taon na siya sa puwesto at humihingi pa rin siya ng extension upang magawa ito. Ito ang tanging katotohanang ibinunyag ng pagsisiwalat ng narco list.

Ang tanong ngayon, mga Kapanalig, sino ang nakikinabang sa paglalantad ng narco list? Tiyak, hindi ang mga inakusahang pulitiko dahil nabahiran na ng katiwalian ang kanilang pangalan kahit hindi pa man ito napatutunayan. Hindi rin naman ito pabor sa mga tatakbo sa eleksyon na hindi nadawit ang pangalan dahil nga kahit manalo sila sa halalan, patuloy silang mamanmanan. At sa pagkabigo ng kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga, talo ang taumbayang ikinulong na sa takot at pangamba sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang mga patayan. Kung tunay na seryoso ang administrasyon sa pagsugpo ng problema ng iligal na droga, hindi ito aasa lamang sa pagkakalat ng intriga at pagbabanta gamit ang isang listahan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,717 total views

 24,717 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,198 total views

 32,198 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 45,338 total views

 45,338 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 51,311 total views

 51,311 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 57,064 total views

 57,064 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,718 total views

 24,718 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 32,199 total views

 32,199 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 45,339 total views

 45,339 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 51,312 total views

 51,312 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 57,065 total views

 57,065 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 41,874 total views

 41,874 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 42,958 total views

 42,958 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,339 total views

 38,339 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,343 total views

 50,343 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,385 total views

 58,385 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 49,942 total views

 49,942 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,367 total views

 48,367 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,153 total views

 50,153 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,078 total views

 47,078 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,392 total views

 61,392 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top