VeritasPH

The Word, The Truth

Ang New Agrarian Emancipation Act

SHARE THE TRUTH

 346 total views

Mga Kapanalig, nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang Republic Act No. 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act na naglalayong palayain ang agrarian reform beneficiaries (o ARB) mula sa kanilang mga bayarin at pagkakautang. Taliwas sa akala ng marami, hindi libreng nakukuha ng mga magsasaka ang kanilang lupa sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (o CARP). Inaasahan silang magbayad ng amortisasyon upang mabili ang lupa ng may 6% na interes sa loob ng tatlumpung taon. Ang amortisasyon at iba pang obligasyong katulad ng tax, interest, at penalty sakaling nahuhulí sila sa pagbabayad ay ang pinatatawad ng New Agrarian Emancipation Act. Tinatayang 610,000 ARB ang makikinabang sa bagong batas.

Ikinatuwa ng marami ang paglagda ni Pangulong BBM sa nasabing batas. Malaking tulong ito sa maraming magsasakang isa sa pinakamahihirap na sektor sa bansa. Gayunpaman, marami pa ring kailangang bantayan at pag-ibayuhin sa bagong batas. Narito ang tatlong pangunahing isyung nakikita ng mga magsasaka at NGOs sa pagpapatupad ng bagong batas. 

Una, ayon sa Task Force Mapalad (o TFM), isang pederasyon ng mga magsasaka sa bansa, mayroon pang mahigit kalahating milyong ARBs na hindi makikinabang sa batas. Maiiwan ang mga magsasakang ito dahil hindi pa nila nakukuha ang kanilang Certificate of Land Ownership Award (o CLOA). Ang mga ARB na hawak na ang kanilang CLOA hanggang Disyembre 31, 2022 lamang ang pasók sa mga benepisyaryong makikinabang sa batas. Nanawagan ang TFM at iba pang organisasyon ng mga magsasaka na palawigin ang saklaw ng batas upang walang maiiwang ARB.  

Ikalawa, nananawagan ang mga ARB na paigtingin ang pagbibigay ng mga suportang serbisyo sa kanila. Hindi natatapos ang repormang agraryo sa paglilipat ng pagmamay-ari ng lupa sa mga magsasaka. Kailangang mayroon silang sapat na kakayahang gawing produktibo ang kanilang lupa. Ilan lamang sa mga suportang serbisyong matagal ng hangad ng mga magsasaka ay kapital sa pamamagitan ng loans o grants, trainings, at pagkakaroon ng mga kagamitan sa sakahan.  

Panghuli, kailangang mapatibay ang patakarang nagbabawal na ipagbili ng mga magsasaka ang kanilang lupa sa loob ng sampung taon. Bagamat walang malinaw na probisyon sa bagong batas tungkol dito, nakasaad ito sa Comprehensive Agrarian Reform Law. Hangarin ng patakarang ito na masigurong nasa pamamahala ng mga magsasaka ang pagpapaunlad sa lupa bilang bahagi ng pagbibigay-lakas sa kanila. Sa kasamaang palad, maraming negosyanteng sinasamantala ang kahirapan ng mga ARB at binibili ang kanilang lupa. Dahilan naman ito ng muli nilang pagiging mga tauhan sa sakahan o tuluyang pagkawala ng kabuhayan kapag iko-convert ang lupa para gawing subdivision o mall 

Binibigyang-diin ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang mahalagang papel ng pamamahala sa pagtataguyod sa dignidad at kabutihan ng tao, lalo na ng mahihirap. Naniniwala ang ating Simbahang mahalaga ang pagkiling sa mahihirap at sa mga naisasantabi sa lipunan dahil taliwas sa magandang plano ng Diyos ang kanilang dinaranas.  

Ang pagsasabatas sa New Agrarian Emancipation Act ay maituturing na hakbang tungo sa pagkiling sa mahihirap at naisasantabi. Gayunpaman, kailangan siguruhin ng pamahalaang walang maiiwang ARB at hindi maabuso ang batas. Maaari itong umpisahan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa mga inihaing isyu ng mga magsasaka at organisasyong kaagapay nila.  

Mga Kapanalig, paalala ni Hesus sa Mateo 25:40, “Tinitiyak ko sa inyo, yamang ginawa ninyo ito sa isa sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, sa akin ninyo ito ginawa.” Nananatiling pinakahamak sa ating lipunan ang mga ARB na higit tatlong dekada nang inaasam mapasakanila ang lupang kanilang sinasaka. Nawa’y sa pamamagitan ng New Agrarian Emancipation Act at ng mga inihaing panukala ng mga magsasaka para pag-igihin ito ay makamit na nila ang pangarap nilang lupa.  

Sumainyo ang katotohanan.  

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 1,420 total views

 1,420 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 17,406 total views

 17,406 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 25,451 total views

 25,451 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 30,531 total views

 30,531 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,237 total views

 36,237 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 1,421 total views

 1,421 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 17,407 total views

 17,407 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 25,452 total views

 25,452 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 30,532 total views

 30,532 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,238 total views

 36,238 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,176 total views

 44,176 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,101 total views

 41,101 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,415 total views

 55,415 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,105 total views

 59,105 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,708 total views

 57,708 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,695 total views

 67,695 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,663 total views

 71,663 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,550 total views

 82,550 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,989 total views

 94,989 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,747 total views

 105,747 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top