VeritasPH

The Word, The Truth

 887 total views

For those who wish to understand the popular devotion to the Nazarene Lord.

Homily for Jan 09, 2021, Feast of the Black Nazarene, Jn 3:13-17

Isa sa mga bagay na matagal ko nang tinatanong tungkol sa debosyon sa Nazareno ay kung bakit tinatawag siyang “Nuestro Padre”. Sa Kastila, ang ibig sabihin nito ay “Aming Ama”. Kaya minsan, tinanong ko ang isang deboto para maintindihan ko ang kahulugan nito para sa kanila. Sabi ko, “Bakit Nuestro Padre Jesus Nazareno (Aming Amang Hesus Nazareno)? Hindi ba dapat Nuestro Hermano (Aming Kuya)? Di ba Anak siya ng Diyos at tinuruan niya tayong tumawag sa Diyos Ama bilang ating Ama? Di kaya Kapatid o Kuya ang dapat itawag natin sa kanya?”

Ganito ang sagot ng deboto, “E kasi ho, pari siya, di ba? Ano ba ang tawag namin sa pari kundi PADRE?” Napaisip tuloy ako, ang salitang Tagalog nga naman para sa Spanish na “sacerdote” ay PARI. At ang salitang Tagalog na “pari” ay galing sa PADRE. Depende sa rehiyon o probinsiyang pinanggalingan, nag-iiba lang ang bigkas: PADI sa Bisaya or PADS, sa Guam ay PALE, sa Tagalog PARI.

Hindi pala “Aming Ama o Tatay Hesus Nazareno” ang dapat maging translation ng Nuestro Padre Jesus Nazareno kundi “Aming Pari, Hesus Nazareno.” Magandang paalala na iisa lang ang Pari natin, at tayong lahat, sa pamamagitan ng binyag ay nakikiisa sa Pagkapari ni Kristo.

Ang sabi pa ng deboto na kausap ko, “Di po ba kayong mga pari ang tumatayo para kay Kristo kapag kayo ay nag-aalay ng sakripisyo ng Misa?” Ang sabi ko, “OO at HINDI. OO, dahil ang sakripisyong iniaalay sa bawat Misa ay Sakripisyo ni Kristo. Pero HINDI rin, dahil namumuno lang kami para sa Bayan ng Diyos. Ang nag-aalay ng Misa ay ang buong sambayanang Kristiyano. Si Kristo mismo ang paring nag-aalay, kaming tagapamuno ay parang umuulo sa katawan kapag kami’y nag-aalay ng Misa. Pero dahil tayong lahat na binyagan ay bahagi ng kanyang katawan, tayong lahat ay nakikiisa sa pagkapari ni Kristo.” (Ito ang tinatawag sa Vatican II na “Common Priesthood of the Faithful”.)

Sa araw na ito ng Piyesta ng Poong Nazareno, ito ang gusto kong maging focus ng ating reflection: PAANO TAYO NAKIKIBAHAGI SA PAGKAPARI NI KRISTO?

Para sagutin ito, hayaan nyo munang gamitin ko ang lumang salitang SACERDOTE. Ito ang tawag sa mga sinaunang pari; at ang papel nila sa templo ay ang mag-alay ng mga handog na sakripisyo para sa bayan ng Diyos. Sila ang tagapamagitan ng tipanan sa pagitan ng Diyos at ng Israel. Sila ang Tagapagkasundo; nag-aalay sila ng sakripisyo upang ipakipagkasundong muli ang mga nawalay sa Diyos dahil sa pagkakasala, o dahil sa kanilang paglabag sa tipanan.

Sa katagalan ng panahon, unti-unting parang nawalan ng saysay o kahulugan ang pag-aalay ng bayang Israel ng mga handog sa Diyos. Maraming beses ngang binatikos ito ng mga propeta sa lumang tipan: halimbawa kay Isaias 1: 11-17, sabi ng Diyos sa pamamagitan ng propeta:

“E ano kung mag-alay kayo ng maraming sakripisyo? Nasusuklam na ako sa mga alay ninyong mga hayop, hindi ko ikinatutuwa ang dugo ng mga baka, mga tupa at kambing. Kapag lumapit kayo sa akin upang sumamba, sino ba ang nagsabi sa inyong hinihiling ko ang ganyang mga handog? Mas ikaliligaya ko kung itigil na ninyo ang paglapastangan sa dangal ng inyong kapwa.”

“Walang halaga para sa akin ang inyong mga alay; pati insenso ninyo ay kinamumuhian ko. Ang mga paimbabaw na pagtitipon at kapistahan ninyo ay hindi ko na mabata. Kahit itaas ninyo nang paulit-ulit ang mga kamay ninyo, ipipikit ko ang mga mata ko; kahit magdasal kayo nang magdasal, hindi ko kayo pakikinggan. Sapagkat ang mga kamay ninyo ay puno ng dugo. Maghugas muna kayo at maglinis ng kalooban, isantabi na ang inyong mga katiwalian, iwaksi ang lahat ng kasamaan, itigil na ang mga kabuktutan, pag-aralan ninyong gumawa ng kabutihan. Gawin ninyong layunin ang katarungan, ipagtanggol ang mga dukha at inaapi, damayan ninyo ang mga balo at ulila.

Kahit sa Salmo 51:18-19, ganito rin ang sinasabi, “Hindi mo ikinatutuwa ang aming mga sakripisyo, sa aming mga susunuging handog hindi mo ikinaliligayang tanggapin. Ang sakripisyong hinihingi mo ay isang kaloobang wagas na nagsisi, isang pusong dalisay at pakumbaba, ito O Diyos ang hinahanap mo.”

Kaya pala parang naging negatibo na ang kahulugan ng pagkapari at pag-aalay ng sakripisyo sa Bagong Tipan, lalo na sa mga ebanghelyo. Hindi ba sa ikinuwento ni Hesus na Parable of the Good Samaritan, ang ginawa niyang bida ay hindi iyung pari at Levita na naglilingkod sa templo? Sila ang ginawa niyang larawan ng kawalan ng malasakit. Kaya sa bandang huli, mga paring Saduseo ang nakabangga ni Hesus at naging kaaway niyang mortal. Di ba minsan, pinagtataboy ni Hesus ang mga namimili at nagbebenta ng mga hayop at kalapati sa may patio ng templo? Sa galit ng mga pari, minabuti nilang ipapako sa krus ang Nazarenong nanggugulo.

Parang inulit ni Hesus ang mensahe ng mga sinaunang propeta: kung inaakala ninyong sapat na ang mga sakripisyong sinusunog ninyo para pagtakpan ang inyong mga kasalanan, nagkakamali kayo. Ang ganitong klaseng pag-aalay na katambal ng tiwaling pagkapari, ito rin ang tinalikuran ni San Juan Bautista.

Sa buong Bagong Tipan ng Bibliya, bukod tanging doon lang sa Sulat sa mga Hebreo matatagpuan ang isang positibong kahulugan ng pagkapari at doon lang iniuugnay ito kay Kristo. Sabi ng manunulat, nawalan daw ng saysay ang paghahandog-sakripisyo ng lumang pagkapari dahil kailangan itong ulit-ulitin, sapagkat paulit-ulit ding nagkakasala ang tao at hindi sapat na kabayaran ang dugo ng mga hayop na kanilang isinasakripisyo. Sa ginagawang pagkatay at pagpapadugo ng mga pari ng templo, hindi naman nasasaktan ang nagkasala o ang mismong paring nag-aalay. Isa lang ang nasasaktan: ang korderong isinasakripisyo.

Ito babaguhin ng pagkapari ni Kristo. Siya ang nag-aalay ng sakripisyo, pero ang iaalay niyang sakripisyo ay hindi hayop kundi sariling buhay niya, katawan at dugo niya. Sabi ng sulat sa mga Hebreo, siya lamang, at wala nang iba, ang tunay at natatanging pari. Hindi niya sasabihin sa makasalanan: ipag-aalay ko kayo ng tupa o kordero. Sa halip, ang sasabihin niya ay, ako ang pari, ngunit ako rin ang magiging kordero, wala akong ibang iaalay kundi sariling buhay ko.

Kaya tayo nagmimisa, para matutunan nating mag-alay nang tama. Noon pa mang unang panahon, pinoproblema na ng tao ang maiaalay niya sa Diyos, kung ano ba ang dapat niyang ihandog na ikatutuwa ng Diyos. Akala nila sapat na iyong IKAPU, o mga gulay at karne, o salapi na inihuhulog sa kahon. Kailan tayo tunay nakikiisa sa pagkapari ng Nazareno? Kapag ang natututuhan nating ialay ay hindi salapi, hindi ikapu, hindi mga hayop at gulay, hindi ari-arian, kundi SARILING BUHAY, BUONG BUHAY NATIN.

Ang sabi ng Diyos sa pamamagitan ni prophet Micah, “Matagal nang ipinaalam sa iyo o tao kung ano ang mabuti, kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo: “Ang maging makatarungan, ang pumanig sa kabutihan, at lumakad nang may kababaang loob na kapiling ang Diyos.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 12,336 total views

 12,336 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 20,321 total views

 20,321 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 27,857 total views

 27,857 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 43,842 total views

 43,842 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 51,886 total views

 51,886 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 372 total views

 372 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,127 total views

 3,127 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,542 total views

 7,542 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,868 total views

 2,868 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,391 total views

 3,391 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,890 total views

 4,890 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,734 total views

 5,734 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,989 total views

 3,989 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,202 total views

 8,202 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,435 total views

 7,435 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,645 total views

 11,645 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,093 total views

 5,093 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,097 total views

 5,097 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,097 total views

 5,097 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,089 total views

 5,089 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top