Hindi naiiba ang panawagan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 597 total views

Mga Kapanalig, halos dalawang taon na tayong nakikipagbuno sa pandemya, ngunit hindi naiiba ang panawagan ng marami: gawing accessible ang swab testing at gawing mas agresibo ang contact tracing ngayong patuloy na namang tumataas ang kaso ng Covid-19 sa bansa. Noong Nobyembre hanggang mga unang linggo ng Disyembre ng nakaraang taon, marami ang natuwa dahil bumababa na ang bilang ng mga naitatalang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ngunit habang isinusulat ang editoryal na ito, umabot sa higit 21,000 ang karagdagang kaso ng Covid-19 at 29 na kaso ng Omicron variant. Ang mas nakababahala, sinasabing malaki ang posibilidad na mas mataas ang bilang ng infection rate kaysa sa opisyal na datos dahil maraming Pilipino ang hindi pa rin kayang magbayad ng halagang 1,500 piso hanggang 3,600 piso upang magpa-swab test. Iba pang usapin ang malalayong testing center lalo na sa mga probinsya.

Nagsisimula pa lamang ang pandemya at ang mahigpit na lockdown restrictions, marami nang nananawagan para sa pagsasagawa ng libre at abot-kayang mass testing. Alam na dapat ng kinauukulang ito ang pundasyon sa pagtugon sa Covid-19 at ang dapat na pangunahing pinagtutuunan ng ating pondo. Ayon kay Dr. Joshua San Pedro ng Coalition for People’s Right to Health (o CPRH), bagamat susi rin ang pagbabakuna upang mapigilan ang pagkalat ng virus, sa testing nagsisimula ang iba pang interventions katulad ng contact tracing, quarantine and isolation, at treatment. Sa usapin naman ng contact tracing, marami pa ring pagkukulang upang masabing epektibo ito. Ilan sa mga hamon sa pagpapaigting ng contact tracing sa bansa ay ang kawalan ng pare-parehong data collection tool na ginagamit ng mga lokal na pamahalaan, kakulangan ng contact tracers, at ang hindi epektibong paggamit ng idinisenyong contact tracing application. Magdadalawang taon na ang pandemya, hindi pa rin maayos ang sistema at pagtatalâ ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Kamakailan lang, muli na namang iniutos ni Pangulong Duterte na manatili sa loob ng bahay ang mga hindi nabakunahan kontra Covid-19 maliban na lang kung lalabas sila para sa mahahalagang pakay at pagpasok sa trabaho. Aniya, pwede raw arestuhin ng mga pulis at mga opisyal ng barangay ang mga hindi pa bakunado. Sa halip na pagbawalang lumabas at arestuhin ang mga hindi bakunado, hindi ba’t mas naaayong pagbutihin at paigtingin pa ang ang mass testing, contact tracing, at vaccination sa bansa? Hindi pa rin katanggap-tanggap ang sitwasyon natin ngayon lalo na’t nabalot pa ng kontrobersya at alegasyon ng katiwalian ang mga kagawarang dapat nangangasiwa sa kalusugan ng taumbayan. Tandaan natin ang sinasabi sa Lucas 12:48 na “mas marami ang pananagutan ng pinagkatiwalaan ng mas marami.” Sa pagkakataong nakasalalay ang pampublikong kalusugan ng taumbayan, may karapatan tayong papanagutin ang mga taong binigyan natin ng kapangyarihang mamuno.

Mga Kapanalig, kasabay ng disiplina at responsibilidad ng bawat isa ay ang maayos na pangangasiwa ng mga nasa pamahalaan upang tuluyan nating mapagtagumpayan ang laban kontra Covid-19. Matingkad sa mga panlipunang turo ng Simbahan na ang karapatang pangkalusugan ay nagmumula sa pagkakaroon ng malasakit sa dignidad ng tao bilang nilikhang kawangis ng Diyos. Dahil dito mayroon dapat mga kondisyon sa lipunan upang maitaguyod ang dignidad ng mga tao at upang mapaunlad ang bawat indibidwal, komunidad, at lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 25,122 total views

 25,122 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 48,274 total views

 48,274 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 118,388 total views

 118,388 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 193,002 total views

 193,002 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 271,286 total views

 271,286 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 25,123 total views

 25,123 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 48,275 total views

 48,275 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 118,389 total views

 118,389 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 193,003 total views

 193,003 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top