Ang pagbili ng boto ay marka ng demonyo.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 838 total reads

Ito ang pangangaral ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kanyang official Facebook page na Socrates B. Villegas kaugnay sa nakaakdang halalan sa bansa.

Ayon sa arsobispo, ang vote buying ay marka ng demonyo kung saan tinutukso at pinipresyuhan ng mga kandidato ang pagkatao ang mga botante lalo na ang mga mahihirap kapalit ang kanilang boto tuwing halalan.

Ipinaliwanag ni Archbishop Villegas na ang halaga ng bawat tao ay nagmula sa Diyos at hindi matatawaran ng anumang halaga na iniaalok ng mga kandidato tuwing halalan.

“Ang halaga ng tao ay galing sa Diyos. Marka Diyos ang bawat tao. Kamukha ng Diyos. Mahal ng Diyos. Iniligtas ng Diyos. Marka demonyo ang vote buying. Pinepresyohan ng vote buyer ang pagkatao ng botante. Mas grabe ang vote buyer marka ng demonyo kapag ang pinepresyohan at tinutukso ay ang mahihirap.” pahayag ni Archbishop Villegas.

Ipinaalala ni Archbishop Villegas na ang pagbili ng boto ng mga kandidato ay isang uri ng pang-aabuso at pagsasamantala sa dangal ng boto.

Giit ng arsobispo ang vote buying ay isang kasalanan sa Diyos at sa bayan kung saan bukod sa mayroon itong marka ng demonyo ay isa rin itong marka ng pagiging traydor sa bayan.

“Anumang gawin natin sa dukha ay kay Jesus ginagawa. Ang boto ay dangal. Kapag malaya ang desisyon sa pagboto, ang dangal ay nagiging dasal sa Diyos. Kapag ni-rape ang dangal ng boto at pinresyohan, ang politiko ay nagiging Diyus-diyosan at ang botante ay sumasamba bilang mga tanga-hanga, mas mababa pa sa tagahanga. May marka demonyo ang vote buying. Kasalanan sa Diyos. May marka traydor sa bayan ang vote buying. Kasalanan sa bayan.” Ayon pa kay Archbishop Villegas.

Binigyan diin ng Arsobispo na ang pagbili ng mga kandidato ng boto ng mga botante tuwing halalan ay isang uri ng katiwalian na kinakailangang maiwaksi.

Hinimok ni Archbishop Villegas ang mga botante na manindigan laban sa anumang uri ng katiwalian sa halalan.

Partikular na tinukoy ni Archbishop Villegas ang tinuran ng Santo Papa Francisco na hindi matitigil ang kurapsyon at katiwalian sa lipunan kung mananahimik lamang ang taumbayan at hindi magsasalita.

Patuloy ang panawagan ng Simbahan sa may 63-milyong botante para sa pagpapairal ng One Godly Vote sa nakatakdang 2022 National and Local Elections.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 30,940 total reads

 30,940 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 114,928 total reads

 114,928 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 209,259 total reads

 209,259 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 270,945 total reads

 270,945 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 315,192 total reads

 315,192 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top