Ipaglaban ang mga inuusig na Kristiyano, mensahe ng Red Wednesday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,697 total reads

Huwag matakot na makinig, magsalita at magpakumbaba laban sa mga nang-uusig sa Kristiyanong pananampalataya.

Ito ang pagninilay ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, incoming vice-president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa taunang paggunita sa Red Wednesday.

Ayon kay Bishop Vergara, batid pa rin magpahanggang ngayon ang pang-uusig laban sa mga kristiyano, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ipinaliwanag ng obispo na kahit na hindi personal na nararanasan ang mga pang-uusig ay dapat pa ring lubos na iparamdam ang pagmamalasakit at pagtatanggol sa mga higit na nakakaranas nito.

“Tatlo po ang hamon sa atin ng selebrasyong ito at ng ating ebanghelyo. Una, huwag matakot na makinig sa mga hinaing at sakripisyo ng ating kapwa; ikalawa, huwag matakot na magsalita laban sa mga nagpapanukala ng kultura ng kamatayan; at ikatlo, huwag matakot na magpakumbaba at humingi ng tawad dahil may mga pagkakataong tayo’y naging sanhi rin ng pag-uusig at pagdurusa ng ating kapwa at pati na rin ng pagkakawatak-watak ng bawat isa,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Vergara.

Iginiit din ng opisyal ng CBCP na nawa’y maging huwaran ng mga mananampalataya ang naging buhay ng dalawang Pilipinong santo na sina San Lorenzo Ruiz de Manila at San Pedro Calungsod na inialay ang buhay upang patunayan ang kanilang tapat na pagmamahal sa pananampalatayang Kristiyano.

“Tularan po natin sina San Lorenzo Ruiz de Manila at San Pedro Calungsod na naging martir upang ipagtanggol ang ating pananampalataya at hindi natakot ialay ang kanilang buhay at matamo ang buhay na walang hanggan,” ayon kay Bishop Vergara.

Samantala, sinabi naman ni Aid to the Church in Need (ACN) Philippines executive director, Monsignor Pedro Gerardo Santos na hangga’t ang katotohanan ng Diyos ang pinanghahawakan, walang sinumang kristiyano ang makakaramdam ng takot sa kabila ng pang-uusig.

“Walang kristiyanong katoliko na matatakot sapagkat hinaharap n’ya ang masama. Sapagkat ang sandata niya ay katotohanan ng Diyos,” ayon kay Msgr. Santos.

Nakiisa rin sa Red Wednesday campaign ang iba’t ibang diyosesis, parokya at mga institusyon ng simbahan sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpapailaw ng pula sa mga gusali bilang pag-alala sa mga nag-alay ng buhay upang ipagtanggol ang pananampalatayang kristiyano.

Tema ngayong taon ng Red Wednesday ang “Red without fear: A Church journeying as one”.

Taong 2016 nang simulan ito sa United Kingdom at 2017 naman nang makibahagi dito ang Pilipinas.

Habang noong Enero 2020 naman nang aprubahan ng CBCP na maging bahagi na ng taunang pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa bansa ang Red Wednesday Campaign.

 

COMELEC, Tatalima sa Batas

 2,917 total reads

 2,917 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 118,639 total reads

 118,639 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 159,203 total reads

 159,203 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 179,670 total reads

 179,670 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 227,937 total reads

 227,937 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 245,282 total reads

 245,282 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,428 total reads

 133,428 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top