Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

YSLEP graduate, tinutulungan ng Caritas Manila na makapaghanap ng trabaho

SHARE THE TRUTH

 609 total views

Patuloy na umaagapay ang Caritas Manila sa mga naging bahagi ng scholarship program lalo na sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

Ito ang tiniyak ni Ray Angelo Reyes, program officer ng Caritas Manila Scholars Association o CAMASA, matapos ilan sa mga nakapagtapos sa Youth Servant Leadership Educational Program o YSLEP ang naapektuhan ng Covid19 crisis.

Inihayag ni Reyes na nagsasagawa sila ng pakikipag-ugnayan sa mga pribagong kumpanya upang mabigyan ng pagkakataon ang mga YSLEP graduate na makahanap ng mapapasukang trabaho.

“Marami po ang nawalan ng trabaho kaya ang camasa nakipag ugnayan sa iba’t-ibang kumpanya” pahayag ni Reyes sa programang Caritas in Action sa Radio Veritas 846.

Aminado si Reyes na ilan sa mga naging scholars ng Caritas Manila ang hindi nakaligtas sa dagok na dala ng pandemya.

“Actually talagang madami din naapektuhan na mga CAMASA members natin nitong pandemic, may ilan din na pumanaw dahil dito then yun ‘balik handog’ ng mga Scholars natin marami sa kanila ang hindi muna nakapagbigay”.

Magugunitang hinihikayat ng Caritas Manila ang mga nagsipagtapos sa scholarship program nito na magbahagi din ng tulong sa mga kasalukuyang scholars kapag makahanap ng trabaho o makaluwag sa buhay.

Ang scholars ng nasabing social arm ng Arkdiyosesis ng Maynila ay nagmumula sa mga tinatawag na ultra poor families o mga kumikita lamang ng mababa pa sa 10, 000 piso kada buwan ang kani-kanilang mga magulang.

Sa kasalukuyan ay nasa 4,639 na mga mag-aaral sa kolehiyo ang tinutulungan ng Caritas Manila hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga malalayo at mahihirap na probinsya. habang nasa mahigit 10 libong graduates na ang miyembro ng alumni association nito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,234 total views

 73,234 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,229 total views

 105,229 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,021 total views

 150,021 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,971 total views

 172,971 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,369 total views

 188,369 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 498 total views

 498 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,564 total views

 11,564 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 47,632 total views

 47,632 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 60,925 total views

 60,925 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top