Ang Pagkain ay isang Karapatang Pantao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,732 total reads

Napaka-bulag ng ating lipunan kung ating pinaniniwalaan na ang pagkain ay pribilehiyo lamang ng kumikita at may perang pambili. Taliwas ito sa ating paniniwala bilang Katoliko. Hindi ba’t si Hesus mismo ang huwaran natin sa pagbibigay pagkain sa mga nagugutom sa ating paligid? Nakalimutan mo na ba ang multiplication of the loaves and fishes, isa sa mga himalang ipinamalas ng Panginoon noong siya nabubuhay pa?

Ayon nga kay Pope Francis sa kanyang Fratelli Tutti: Hunger is criminal; food is an inalienable right. Lahat tayo ay may karapatang magkaroon ng masustansyang pagkain, pero bakit sa loob at labas ng bayan, marami pa ring mga indibidwal at pamilya ang nagugutom? Ayon nga sa UN, mga 690 milyong katao ang gutom sa buong mundo. Katumbas ito ng halos 9% ng ating global population. Sa ating bansa, tinatantyang mga 6.55 milyong Pilipino ang food poor. Ito ay halos anim na porsyento ng ating populasyon.

Kapanalig, kapag naisapuso at naisaisip natin na ang pagkain ay karapatan nating lahat, mas kikilos tayo upang tiyakin na walang magugutom sa ating mga kapwa. Kapag nabago natin ang perspektibo natin at nawaglit na sa isipan na ang pagkain ay para lamang sa may pambayad, ating maiimpluwensyahan ang mga polisiya ng bansa ukol sa katiyakan sa pagkain. Magkakaroon ang ating lipunan ng sense of urgency sa pagtulong sa mga walang maihanda sa hapag ng kanilang tahanan.

Napaka-halaga na ating mapakalat ang paniniwalang ito dahil nakita na natin, hindi ba, kung gaano kalaki ang kakulangan ng pamahalaan pagdating sa pagtitiyak ng pagkain para sa bawat Filipino. Noong panahon ng malawakang lockdowns, maraming mamamayan ang walang makain, at hindi handa ang gobyerno sa pagtugon sa napakalaki at nakapalawak na demand na ito. Ngayong panahon ng kagipitan matapos ang mahabang economic slowdown bunsod ng pandemya, nakita natin na ang bansa ay net importer – kailangan pa natin mag-angkat ng pagkain para makakain ang marami sa atin.

Kapanalig, ang pagkain ay hindi reward para sa masipag o nagtatrabaho lamang. Ang pagkain ay para sa lahat dahil nilayon ng Panginoon na lahat ng biyaya niya at lahat  ng nilikha niya para sa ating lahat, tayong lahat na kanyang mga anak. Sapat ang biyaya para sa lahat, nagkukulang lamang ito kung may kumakamkam at nagdadamot—isang patunay ng hindi pagkilala sa katotohanang ang pagkain ay karapatang pantao.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,601 total reads

 11,601 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,817 total reads

 239,817 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,283 total reads

 133,283 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,312 total reads

 227,312 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 271,088 total reads

 271,088 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,603 total reads

 11,603 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,819 total reads

 239,819 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,285 total reads

 133,285 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,314 total reads

 227,314 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »
Scroll to Top