Ang Syudad, ang Pandemya, at ang Maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 511 total reads

Isa sa mga problemang naging matingkad nitong panahon ng pandemya ay ang sikip at sukal ng maraming mga lugar sa ating mga syudad. Ayon nga sa World Economic Forum (WEF), walang syudad sa buong mundo ang nakaligtas sa nakamamatay na pagkalat ng COVID 19.

Pero hindi lamang ang urbanisasyon o heograpiya ang pangunahing salik sa pagkalat ng sakit sa mga syudad. Ang  mga socio-economic factors gaya ng kahirapan at sanitasyon, ay ilan sa mga nangungunang lugar. Isang halimbawa, ayon sa WEF, ay sa Mumbai kung saan tinatayang sobra pa sa kalahati ng pitong milyong slum population nito ay nagka-COVID 19 na. Isang ring halimbawa ay sa South Africa kung saan nagkaroon na nga ng bagong COVID variant – mabilis ang hawaan sa lugar dahil mga 46% lamang ang may access sa maayos na kasilyas at mga 1/3 ang naghahalinhinan sa ibang pamilya sa pag-gamit ng banyo.

Sa ating bansa, nakita natin ang ang pinakamaraming bilang ng mga nagka COVID 19 ay yaong mga nasa syudad.  Hirap na hirap tayong mapigilan ang dami sa NCR, at makikita natin na naiipon ang mga sakit kadalasan sa mga pampublikong pamilihan at mga sa pamilyang kulang sa social distancing. Kaya nga’t malaki ang epekto ng pandemya sa mga informal sector families, marami sa kanila, hindi lamang nagkasakit, nawalan pa ng kita. Sila ay parehong biktima at daanan ng transmisyon. Ang mahirap, mas lalong naghirap.

Kaya nga’t dapat ang mga syudad sa bansa ay mabilis  na magtransisyon sa new normal kung saan hindi lamang ang pagsiksikan ang dapat bawasan, kailangan din dagdagan ang kalinisan, sanitasyon, at mga open o bukas at luntiang espasyo. Kailangang gawing pro-people, pro-poor ang ating mga lungsod.



Isang halimbawa lamang – ang ating mga palengke ngayon ay kulob at kulang ang mga banyo. Pagdating ng weekend at mga araw na may okasyon – puno at siksikan na ang mga ito kaya napakalaki ng pagkakataon upang magkahawaan sa sakit. Samatalang ang mga malls sa bayan ay naglalakihan, ngunit ngayon ay halos wala ng tao. Halimbawa rin ay ang ating transport system – siksikan tayo sa mga sakayan, siksikan din tayo hanggang sa loob ng sasakyan. Kahit pa lagyan pa natin ng plastic barriers, kulang pa rin ito, lalo na pag naging mas nakakahawa na ang mutation ng virus. Kailangan ng mabago ang lahat na ito bago pa man matapos ang pandemya. Kung hindi man tayo magapi ng sakit na ito, may darating pang mga bagong sakit na maaring gumupo sa ating lipunan.

Kapanalig, ang pagbabago sa syudad ay isang pagkilos tungo sa panlipunang katarungan. Tagibang at pabor sa mayaman ang kalakaran dito, at ang maralita ang unang talunan. Mali ito at hindi na dapat magpatuloy pa.  Pukawin sana tayo ng pahayag mula sa Laudato Si: greater attention must be given to “the needs of the poor, the weak and the vulnerable, in a debate often dominated by more powerful interests.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 53,707 total reads

 53,707 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 104,347 total reads

 104,347 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 224,927 total reads

 224,927 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 275,284 total reads

 275,284 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 400,281 total reads

 400,281 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 104,348 total reads

 104,348 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 224,928 total reads

 224,928 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 275,285 total reads

 275,285 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »
Scroll to Top