CBCP, humiling ng suporta sa programang “ I Am Joseph”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang mananampalataya na suportahan at subaybayan ang programang ‘I Am Joseph’ na inilunsad ng Philippine Conference on New Evangelization.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo -chairman ng kumisyon, pangangasiwaan ang programa ng Office for the Promotion of the New Evangelization na inilunsad kasabay ng Kapistahan ni San Jose, Asawa ni Maria.

Ibinahagi ng Obispo na tampok sa programa ang mga kuwento ng pagtulong pagkalinga, pagmamalasakit at pagmamahal ng mga simpleng mamamayan na tulad ni San Jose na tahimik na gumagawa ng mabuti para sa kapwa at sa kanyang kapaligiran.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na si San Jose ang dapat na maging huwaran ng bawat isa kaugnay sa pagiging mabuti at pagkilos ng tahimik para sa kabutihan at kapakanan ng mas nakararami.



“Si San Jose ay nagpapaalala sa atin na hindi man napapansin ang ating mga gawang mabuti o adhikain, o tayo man ay kumikilos ng tahimik para sa ikabubuti ng iba at ng ating paligid, walang katumbas ang maiaambag natin sa pagpapanibago ng ating komunidad. Kaya matutunghayan ninyo [dito sa programa] ang iba’t ibang kwento ng pagtulong, pagkalinga, pagmamalasakit at pagmamahal ng iba’t ibang taong pinili na kumilos ng tahimik tulad ni San Jose.”paanyaya ni Bishop Pabillo.

Hango ang programa sa Apostolic Letter ng Kanyang Kabanalan Francisco na Patris Corde o ‘With a Father’s Heart’ kung saan binigyang diin ng Santo Papa ang malaking papel ginampanan ni San Jose sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Ito rin ay bahagi ng paggunita sa idineklara ni Pope Francis na Year of Saint Joseph na ginugunita ngayong taon na nagsimula noong ika-8 ng Disyembre, 2020 at magtatapos sa ika-8 ng Disyembre, 2021 bilang pag-alala sa ika-150-anibersaryo ng pagkakahirang kay San Jose bilang patron ng Simbahang Katolika.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,284 total reads

 3,284 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,181 total reads

 5,181 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,812 total reads

 13,812 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 51,190 total reads

 51,190 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 82,461 total reads

 82,461 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 159,119 total reads

 159,119 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,695 total reads

 252,695 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,144 total reads

 24,144 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top