Ang totoong resulta ng eleksyon

SHARE THE TRUTH

 185 total views

Mga Kapanalig, sa wakas, makalipas ang halos limang taon, natuldukan na ang electoral protest ng anak ng diktador at dating senador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. laban kay Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo. Inilibas ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (o PET) ang kanilang unanimous na desisyon noong isang linggo. Sa kabila nito, iginigiit pa rin ng kampo ni Ginoong Marcos na hindi pa tuluyang ibinabasura ang kaso dahil hindi pa raw tinutugunan ng PET ang third cause of action ng kanilang protesta kung saan nais nilang ipawalambisa ang mga boto mula sa ilang probinsya sa Mindanao. Agad naman itong binigyang linaw ng PET at muling nag-labas ng pahayag na “the protest was dismissed.”

Move on!” Ito ang panawagan ng mga tagasuporta ni VP Leni, ilang kaalyadong mambabatas, at civil society groups. Sa loob ng mahigit apat na taon o isang taon na lamang bago matapos ang termino ng posisyong pilit inaagaw ni Ginoong Marcos, mahaba na ang prosesong pinagdaanan ng lahat ng kampo at ng taumbayang sumusubaybay sa kasong ito.



Noong 2017, una nang nanindigan ang PET sa integridad ng 2016 elections. Noong 2019, natapos ang recount na bahagi ng second cause of action ng protesta ni Ginoong Marcos, at sa pilot recount mula sa mga probinsyang pinili niya mismo, naitalang panalo ang nakalabang si VP Leni na lumaki pa nga ang lamáng. Noong isang taon, hinangad ng kampo ni Ginoong Marcos, sa tulong pa ni Solicitor General Jose Calida, na ipatanggal si Justice Marivic Leonen sa PET. Tumatayong chief legal counsel ng mga Marcos si SolGen Calida sa kabila ng tungkuling kanyang hinahawakan bilang abogado ng pamahalaan. Hindi pinahintulutan ng mga mahistrado ang pagpapatanggal kay Justice Leonen na siyang nagunguna sa pagdinig sa kaso. At noong isang linggo nga, tuluyan nang ibinasura ng PET ang buong protesta.

Ikinatuwa ng kampo ni VP Leni ang naging desisyon ng PET. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, hinihintay pa rin ng kampo ni Ginoong Marcos ang opisyal na kopya ng desisyon at umaasang hindi pa tapos ang laban. Kasabay nito, inamin ng tagapagsalita ni Ginoong Marcos na muling tatakbo ang dating senador sa eleksyon sa 2022 ngunit hindi pa nila ibinunyag kung sa anong posisyon. Nang tanungin naman si VP Leni sa kanyang plano sa paparating na eleksyon, nanamnamin daw muna niya ang posisyong limang taon niyang ipinaglaban, at tututok muna sa mga kasalukuyang suliranin ng bansa.

Ipinaaalala sa atin ng panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng eleksyon bilang paraan upang masiguro ang pagpapanagot o accountability ng taumbayan sa mga opisyal ng pamahalaan. Ang isang malaya at malinis na eleksyon ay mahalagang bahagi ng kasunduan ng taumbayan at mga lingkod-bayan. Nagsisilbi itong hiring process kung saan pumipili o pinapalitan ng taumbayan ang kanilang mga manggagawang sisigurong naitatataguyod ang kabutihang panlahat o common good.

Kaya naman, magandang balita na sa wakas ay natuldukan na ang halos limang taong pagkuwestyon sa pagkapanalo ng ating bise-presidente. Mainam nga sana kung mas mabilis na natatapos ang protestang katulad nito at hindi na umaabot pa ng maraming taon. Ang kasiguruhang malinis na nakamit ang posisyong pinaghahawakan ng mga nanunungkulan ay mahalaga sa pagkakaroon natin ng matatag na mga institusyon. Dagdag pa rito, malakas na kampanya laban sa pandaraya ang katiyakang epektibo at mabilis na matutugunan ang mga protestang may kinalaman sa eleksyon.

Mga Kapanalig, tulad ng sinasabi sa Juan 8:31, “katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Sa huli, ang totoong desisyon ng taumbayan ang nanaig. Nawa’y maging bukás na ang lahat ng kampo sa pagtanggap sa naging desisyon ng PET, at maging umpisa na ito ng paghihilom at pagkakaisa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 6,691 total views

 6,691 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 14,736 total views

 14,736 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 19,816 total views

 19,816 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 25,523 total views

 25,523 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 34,311 total views

 34,311 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 6,692 total views

 6,692 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 14,737 total views

 14,737 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 19,817 total views

 19,817 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 25,524 total views

 25,524 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 34,312 total views

 34,312 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,205 total views

 40,205 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,519 total views

 54,519 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,209 total views

 58,209 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 56,812 total views

 56,812 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 66,799 total views

 66,799 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 70,767 total views

 70,767 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,654 total views

 81,654 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,093 total views

 94,093 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 104,851 total views

 104,851 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,104 total views

 52,104 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top