Income inequality, nararanasan pa rin sa Pilipinas 35-taon makalipas ang EDSA People Power revolution

SHARE THE TRUTH

 1,043 total views

Maituturing na himala ang naganap na EDSA People Power Revolution sa Pilipinas 35-taon na ang nakakalipas.

Ito ang mensahe ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Pangulo ng Radio Veritas kaugnay sa ika-35 taong paggunita sa tinaguriang makasaysayang bloodless revolution sa bansa.

Ayon sa Pari, bilang isang seminarista ay kanyang nasaksihan ang mapayapang pagtatapos ng diktadura sa bansa na nakamit ng mga Filipino hindi sa pamamagitan ng dahas kundi sa pamamagitan ng pagkakaisa at paninindigan laban sa mapang-abusong rehimeng Marcos.

“Napakahalaga ang pagdiriwang ng People Power Revolution sa Pilipinas 35 taon na, alam mo kasama ako diyan seminarista ako during that time at isang malaking himala ang naganap sa Pilipinas natanggal natin ang diktadura sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan, ito ay tunay na himala ng Panginoon. Maraming rebolusyon ang marahas at madugo pero tayo ay naging mapayapa at masaya.” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Fr. Pascual na mahalagang maipagpatuloy ang adhikain ng makasaysayang EDSA People Power Revolution na pagsusulong ng pagbabago at pag-unlad ng Pilipinas para sa kapakanan ng mamamayang Filipino.

Ipinaliwanag ni Father Pascual na nananatili ang ‘income inequality’ sa bansa kung saan hindi nasusolusyunan ang malaking agwat ng mahihirap at mayayaman na isang mahalagang hamon ng EDSA People Power Revolution.

“Kaya ito ay ating pagyamanin at ipagpatuloy pa rin natin ang adhikain ng EDSA People Power – ang pagbabago ng bansa lalong-lalo na sa kapakanan ng mga mahihirap at ng mga nasa laylayan. Matindi pa din ang income inequality sa ating bansa kaya patuloy pa din ang diwa at hamon ng EDSA People Power Revolution, baguhin ang Pilipinas sa mapayapang paraan at tugunan natin ang suliranin ng kahirapan, yun ang napakahalagang hamon ng EDSA People Power Revolution.”pahayag ni Fr. Pascual.

MISYON NG RADIO VERITAS
Bilang Pangulo ng Radio ng Veritas na malaki ang naging papel sa makasaysayang EDSA People Power Revolution, tiniyak ni Fr. Pascual ang patuloy na paninindigan ng himpilan upang maipahayag ang katotohanan sa kabila ng anumang banta at paglaganap ng mga kasinungalingan.

Naninindigan ang Pari na hindi magbabago ang paninindigan ng Radio ng Simbahan sa pagsusulong at pagpapalaganap ng katotohanan mula sa Panginoon.

“Ang misyon ng Radio Veritas ay ipahayag ang katotohanan na nanggagaling sa Panginoon ng walang pagkatakot at walang kinikilingan at isinasaalang-alang ang kapakanan ng mas nakararami at mahalaga ipinapahayag natin ang katotohanan na magpapalaya sa atin. Sinuman o anuman na humaharang sa pagpapahayag ng katotohanan ay kalaban natin.” Ayon kay Fr. Pascual.

POLITICAL CRISIS SA MYANMAR

Nagpaabot rin ng mensahe si Fr. Pascual sa mga mamamayan ng bansang Myanmar na tulad ng sitwasyon ng Pilipinas 35-taon na ang nakakalipas ay humaharap ngayon sa banta ng pagsasantabi sa demokrasya ng kanilang bansa.

Ayon sa Pari, kaisa ng mamamayan ng Myanmar ang mga Filipino sa pananalangin na magtapos ng mapayapa ang kaguluhan sa bansa at mangibabaw ang pagpapahalaga sa demokrasya at kalayaan ng bawat isa.

Iginiit ni Fr. Pascual na walang magandang maidudulot o kahihinatnan ang karahasan sa halip ay dapat na mangibabaw ang nasasaad sa batas kabilang na ang paggalang sa resulta ng halalan at mapayapang pagpapalit ng pamunuan sa isang malinis at maayos na pamamaraan.

“Tayo ay nagdarasal sa mapayapang pagtatapos ng kaguluhan sa Myanmar, tayo ay sumusuporta sa demokrasya, mapayapang pagpapalit ng pamunuan sa pamamagitan ng isang malinis, maayos at tuwid na halalan at anumang organisasyon o institusyon tulad ng militar na nag-a-undermine ng institusyon ng demokrasya ay ating hindi sinasang-ayunan. Tayo po ay nakikiisa sa buong mundo at nakikiusap sa militar ng Myanmar na tapusin na ang kudeta na ito sapagkat violence begets violence tandaan po natin, naniniwala tayo sa rule of law at sa mapayapang pagpapalitan ng pamunuan, ng pamahalaan sa isang malinis na halalan.” Mensahe ni Fr. Pascual sa sitwasyon sa Myanmar.

September 21, 1972 nang magdeklara ng Martial law si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa tala ng Amnesty International, aabot sa mahigit 34,000 Filipino ang dumanas ng pang-aabuso at iba’t-ibang uri ng karahasan bukod pa sa 70,000 na mga nakulong at mahigit 3,200 pinaslang.

Pebrero taong 1986 naging mitsa ng makasaysayang EDSA People Power Revolution ang ginawang pagtiwalag sa administrasyong Marcos ng ilang opisyal ng pamahalaan na sinundan pa ng makailang beses na panawagan sa himpapawid sa pamamagitan ng Radyo Veritas ng noo’y Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila na si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Sa harap ng mga tangke at ng puwersang militar dumagsa sa EDSA ang mamamayan mula sa iba’t- ibang antas ng lipunan kasama ang mga lingkod ng Simbahan upang maiwasan at mapigilan ang madugong sagupaan sa pagsusulong ng kalayaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 20,021 total views

 20,021 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 31,667 total views

 31,667 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 40,914 total views

 40,914 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 46,711 total views

 46,711 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 59,099 total views

 59,099 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagtataguyod sa diwa ng EDSA People Power revolution, paiigtingin ng Simbahan

 2,501 total views

 2,501 total views Tuloy ang laban at adhikain ng mapayapang EDSA people power revolution matapos ang ika-38 taon nang mapatalsik sa kapangyarihan ang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Iginiit ng mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon pa rin ang pagsasabuhay sa diwa ng EDSA People Power Revolution sa kasalukuyang panahon.

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Prayer rally at protest action, ilulunsad ng Koalisyon laban sa Cha-Cha

 6,783 total views

 6,783 total views Nanawagan ng pakikiisa ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa nakatakdang Prayer Rally and Protest Action Against Charter Change na kauna-unahang pagkilos ng bagong lunsad na Koalisyon Laban sa ChaCha: Simbahan at Komunidad Laban Sa ChaCha (SiKLab). Ayon kay Caritas Philippines Executive Director Rev. Fr. Antonio Labiao

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Sen. Hontiveros, nakikikiisa sa Circles of Discernment ng simbahan kaugnay sa kahalagahan ng Saligang Batas

 13,554 total views

 13,554 total views Nakikiisa ang mambabatas sa Senado sa plano ng Simbahang Katolika na magsagawa ng mga pagtitipon, talakayan at circles of discernment upang magabayan ang mamamayan kaugnay sa usapin ng Saligang Batas ng Pilipinas. Ito ang ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros kaugnay sa mahalagang pakikibahagi ng Simbahan sa inilunsad na KOALISYON LABAN SA CHACHA!,-upang higit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pamilyang Pilipino, inaanyayahan ng CBCP na makiisa sa Walk for Life 2024

 9,793 total views

 9,793 total views Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Family and Life ang bawat pamilyang Filipino na makibahagi sa paninindigan sa kasagraduhan ng buhay sa pamamagitan ng pakikiisa sa nakatakdang Walk for Life 2024. Ito ang bahagi ng paanyaya ni Parañaque Bishop Jesse Mercado -chairman ng kumisyon kaugnay sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Manindigan para sa buhay, hamon ng Obispo sa mananampalataya

 9,940 total views

 9,940 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang matatag na paninindigan at pagbibigay halaga sa ipinagkaloob na buhay ng Panginoon sa bawat nilalang. Ito ang bahagi ng mensahe ni CBCP-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairman, Antipolo Bishop Ruperto Santos kaugnay sa nakatakdang Walk for Life 2024

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Koalisyon laban sa Cha-cha, inilunsad

 17,256 total views

 17,256 total views Naniniwala ang isang mambabatas na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Simbahan para sa paggabay sa bawat isa patungo sa tamang landas sa lipunan. Ito ang ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros kaugnay sa pagsisilbing moral at ethical compass ng Simbahan lalo na sa mga mahahalagang usaping panlipunan tulad ng kontrobersyal na usapin ng Charter

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

“SIMBAHAN AT KOMUNIDAD NAGKAKAISA LABAN SA CHA-CHA!”

 17,292 total views

 17,292 total views Ito ang sigaw sa opisyal na paglulunsad ng kuwalisyon na mangunguna sa paglaban sa patuloy na isinusulong na Charter Change sa bansa. Tinagurian bilang KOALISYON LABAN SA CHACHA! binubuo ang nasabing kowalisyon ng may 40-grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mga church groups at people’s movement sa bansa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Namayapang dating CBCP President, naihatid na huling sa hantungan

 14,941 total views

 14,941 total views Tuluyan ng naihatid sa kanyang huling hantungan si Tandag Bishop-emeritus Nereo Odchimar na namayapa sa edad na 84-taong gulang noong February 1, 2024. Pinangunahan ni Tandag Bishop Raul Dael ang Funeral Mass para sa dating punong pastol ng diyosesis kung saan kinilala ng Obispo ang dedikasyon at naging paglilingkod ni Bishop Odchimar sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Rector ng Pontificio Collegio Filippino, humiling ng panalangin para sa formation of Priest sa Rome

 14,926 total views

 14,926 total views Umapela si Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Gaston sa bawat mananampalataya na ipanalangin ang paghuhubog at pagpapanibago ng mga pari upang patuloy na makapaglingkod sa kawan ng Panginoon. Ito ang panawagan ng Pari kaugnay sa pagtatapos ng limang araw na International Conference for the Ongoing Formation of Priests sa Roma na dinaluhan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pro-Life Philippines President, keynote speaker ng Walk for Life 2024

 17,263 total views

 17,263 total views Inihayag ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagsisilbing pangunahing tagapagsalita ng pangulo ng Pro-Life Philippines sa nakatakdang Walk for Life 2024. Ito ang ibinahagi ni LAIKO Executive Vice President Bro. Albert Loteyro, O.P. na siya ring chairman ng Walk for Life 2024 sa nakatakdang gawain na may tema ngayong taon na “Together, We

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pamahalaan, hinamon ng Caritas Philippines na makipagtulungan sa ICC probe

 26,455 total views

 26,455 total views Nanawagan sa pamahalaan ang Caritas Philippines na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga human rights violation sa bansa partikular na ang naging marahas na implementasyon ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Advincula, pangungunahan ang banal na misa sa Walk for Life 2024

 18,447 total views

 18,447 total views Pangungunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Walk for Life 2024 sa ika-17 ng Pebrero, 2024. Ito ang ibinahagi ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas Executive Vice President Bro. Albert Loteyro, O.P. na siyang chairman ng Walk for Life 2024 na muling isasagawa sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

St.William the Hermit cathedral parish, kinilala ng NYC

 20,758 total views

 20,758 total views Ginawaran ng pagkilala ng National Youth Commission (NYC) ang Parish Youth Ministry ng Saint William the Hermit Cathedral Parish ng Diocese of San Fernando de La Union bilang Outstanding YORP Organization. Partikular na kinilala ng NYC bilang katangi-tanging Youth Organization Registration Program (YORP) ang programa ng youth ministry ng parokya na “More Than

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Circle of discernments, isasagawa ng CBCP sa Cha-Cha

 31,394 total views

 31,394 total views Naniniwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang imulat ang kamalayan ng mga kabataan sa usapin ng pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas. Inihayag ni CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa naganap na pulong balitaan ng CBCP kaugnay sa posisyon at mensahe ng Kalipunan ng mga Obispo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Prelatura ng Batanes, nanindigan laban sa People Initiative

 32,640 total views

 32,640 total views Mariing nanindigan ang Obispo at mga lingkod ng Simbahan ng Prelatura ng Batanes laban sa isinusulong na pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas sa pamamagitan ng People’s Initiative. Sa isinapublikong pahayag ng prelatura na nilagdaan ni Batanes Bishop Danilo Ulep at mga pari ng Batanes ay kinumpirma ang pangangalap ng lagda sa mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top