Papal Nuncio, pinangunahan ang pagtatalaga ng simbahan kay St.John Paul II sa Bataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 850 total reads

Umaasa si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na patuloy na isabuhay ang mga gawi ni St.John Paul II na mapagkalinga sa higit na nangangailangan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa paggunita ng pagdalaw sa Pilipinas partikular sa Bataan ng santo na noo’y Santo Papa upang bisitahin at makipagkaisa sa mga Indochinese refugees apat na dekada ang nakalipas.

“We remember Saint John Paul II in a very special way, his love and affection for the refugees that Filipinos should continue to live,”pahayag ni Archbishop Brown sa panayam ng Radio Veritas.

Matatandaang Pebrero 21, 1981 nang bisitahin ni St. Pope John Paul II ang refugee camp sa Morong Bataan bilang tanda ng pakikiisa ng simbahang katolika sa mga refugee na napilitang tumakas sa kanilang mga lugar dahil sa kaguluhan at karahasan.

Sa pagbisita ni Pope John Paul II sa lugar hinimok nito ang mamamayan na magkaisa sa panawagan sa iba’t-ibang bansa na tulungan ang mga refugees na muling palakasin ang kanilang kalooban at bigyang pahalaga sa bawat bansang pinuntahan.

Bilang paggunita sa makasaysayang pagbisita ng santo, isang simbahan ang itinalaga sa ilalim ng kanyang pangalan sa Hermosa Bataan ang Diocesan Shrine of Saint John Paul II.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, ito ay sagisag ng pagiging bukas ng mga Filipino sa pagtanggap ng mga nangangailangan ng kanlungan.

“Ito ay tanda na mayroong isang tahanan ang bawat isa, na ang Pilipinas partikular ang Bataan ay bukas sa mga taong naghahanap at nais makadaupang palad ang Panginoong Diyos,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Pinamahalaan ni Fr. Antonio Quintos Jr. ang parokya katuwang si Fr. Anthony Sibug na kapwa nagpapasalamat sa mga donors at sa lahat ng tumulong upang maitayo ang simbahang nakatalaga kay Saint John Paul II.

Ikinatuwa ng kinatawan ni Pope Francis ang pagiging magiliw ng mga Filipino na nakahandang tumanggap ng mga panauhin sa kabila ng iba’t ibang hamong kinakaharap ng bawat pamilya.

Dumalo rin sa pagtalaga ng simbahan ang mga opisyal ng Sangguniang Panlalawigan ng Bataan sa pangunguna ni Governor Albert Garcia, mga alkalde mula sa iba’t ibang bayan, ilang opisyal ng lokal na pamahalaan at ang mananampalataya ng Hermosa Bataan.

Mensahe ni Archbishop Brown sa mananampalataya na pangalagaan ang bahay dalanginan at palaguin ang pananamapalataya sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa kapwa tulad ng mga halimbawa ni Saint John Paul II.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,448 total reads

 2,448 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,403 total reads

 4,403 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,657 total reads

 12,657 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,035 total reads

 50,035 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,306 total reads

 81,306 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,042 total reads

 158,042 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,677 total reads

 251,677 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,450 total reads

 2,450 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top