Baptismal cathechism, bibigyang tuon ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

 393 total views

Bilang bahagi ng paghahanda sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas at pag-alaala sa ginanap na unang binyag sa bansa, inilaan ng Archdiocese of Manila ang limang linggo ng Kwaresma sa pagbibigay ng tuon sa kahalagayan ng binyag.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, ang Baptismal Catechism ay ang pagtalakay at pagbibigay ng tuon sa binyag.

“Tuwing linggo ng Kuwaresma, isang element ng binyag ang ating binibigyang halaga. Tulad last Sunday, binigyang halaga natin ang ‘baptismal promises o baptismal commitment’. Ngayong linggo ang bibigyan natin ng halaga yung ‘puting damit’ na isusuot sa atin, Transfiguration of the Lord. So, kada linggo may isang element na nagbibigay ng halaga sa binyag,” paliwanag ni Bishop Pabillo sa Pastoral visit sa Veritas.

Pagbibigay diin pa ni Bishop Pabillo na ang kapangyarihan ng binyag ay hindi lamang pag-aalis ng original sin kundi ang pagiging anak ng Diyos.

“Pero ang mas mahalaga tayo ay naging anak ng tayo ng Diyos at tayo ay naging bahagi ng simbahan kaya tayo ay nagtutulungan kasi tayo ay mga binyagan,” ayon pa kay Bishop Pabillo.

Sa ika-14 ng Abril ay muling gugunitain ng iba’t-ibang simbahan ang naganap na unang binyag sa Pilipinas kung saan may 500-sanggol ang bibinyagan sa ilang parokya kabilang na sa Archdiocese ng Cebu ang itinuturing na sentro ng pananampalatayang Katoliko.

Una na ring pinalawig ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang isang taon ang pagdiriwang ng 500 years of Christianity hanggang 2022 dulot na rin sa pandemya.

Kung saan hinikayat ang bawat simbahan na magkaroon ng mga lokal na pagdiriwang sa bawat diyosesis sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 2,107 total views

 2,107 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 39,917 total views

 39,917 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 82,131 total views

 82,131 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 97,666 total views

 97,666 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 110,790 total views

 110,790 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 14,232 total views

 14,232 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top